read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Rainy Morning everyone! Share ko lang ang isa sa favorite breakfast nating mga pinoy, ang LUGAW! Itong picture na ito ay throwback lamang, at isa ito sa pinakapaborito kong nakainan ng lugaw. Kasi isa sila sa nagtitinda ng utak ng baboy. Yes! Dto samin, hindi ka masyado makakabili ng utak ng baboy kaya sobrang saya ko ng makapunta sa lugawan na ito na nagtitinda ng utak ng baboy na pang ulam sa lugaw. Karaniwan kasi ang mga lugawan dito ang nahahain lang na ulam para sa lugaw ay Tokwat Baboy, Lumpiang Toge, Dila, Tokneneng at Nilagang itlog. Nakalimutan ko na magkano yung utak ng baboy, nasa 35pesos yata. Pero sulit naman. Isa sa susi ng isang masarap na lugawan ay di lang ang kanilang lugaw pero pati nadin ang suka. Ako kasi, naglalagay ako ng suka sa lugaw ko e. Haha! Kaya mas masarap ang lugaw lalo na kung masarap ang suka. Osya, kain napo kayo ng breakfast. Ingat ang lahat!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.