Uwian na naman! Yey! 2 araw nalang tapos na ang work week! Hahaha Makakamit na ang 1 day na pahinga. Pahinga day pero maglalaba at maglilinis ng bahay, ganorn! Hahahah! Ang hirap tlaga kapag demotivated kana no? Hindi kana masaya, inaantay mo nlang umuwi. Ang gara sa feeling kapag may iba ka ng gusto gawin. Kasi yung recent na ginagawa mo di mo na talaga feel. Ganun din siguro sa love no? Kapag dmo na ganun kamahal ang isang tao, wala na talagang gana. Inaantay mo nalang matapos kayo. Lalo na pag may iba ka ng gusto. Hindi kana masyado nakafocus sa nasa harap mo kasi yung bago mo ng gusto ang nasa isip mo. Oha! Biruin mo naidugtong ko yun! Pahugot lang minsan kahit wala naman talagang dapat paghugutan! 🤣🤣
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet