read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Bahay na! Grabe yung pinagdadaanan ni LJ Reyes ngayon no? Parang ang sakit sakit. Nung nag-virtual bridal shower kami, isa isa kaming nagbigay ng advice. And ang advice ko is, “Keep some things private”. Hindi lahat kailangan natin ishare sa mga tao. May mga bagay na tayo nalang dapat ang nakakaalam. Lalo na yung mga private life natin. Wag na wag tyo magsasalita ng bad about sa nakarelasyon natin. Kasi minsan sa buhay natin ay minahal natin sila. Minsan sa buhay natin ay pinasaya nila tayo. At wala naman din alam ang ibang tao sa buong pangyayari ng buhay nyo. Pati na, mas tahimik kasi kapag walang alam yung iba eh. Dami kasing tao may marinig lang, todo chismis at comment na. Parang alam nila ang lahat. So para mabgyan mo din ang sarili mo ng respeto, may mga bagay na hindi na dpat idisclose pa sa iba. Yung kasiraan kasi na ibabato mo sa partner mo, hindi naman sknya lang yun e. Pwede din tumalbog pabalik sayo. Lalo na kung dmo namam sya kaya iwan totally. So sa interview ni LJ parang ganun. Iniingatan nya makapagsalita ng di maganda about Paolo. Kasi sguro syempre naiisip nya yung pinagsamahan, pati na yung mgging epekto sa anak nla kung balang araw makita man nla yung interview.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.