Throwback time! Miss ko na yung lagi namin pinupuntahan ni Mister kapag gusto namin kumain sa labas. Kaso wala na yata sila ngayon at di na nagbubukas dahil sa pandemic. Lahat ng food nila ay ipinangalan sa mga Movies. Kaya nakakatuwa din umorder. Hehe Meron din silang malaking tv at may movie na nakapalabas para malibang ang mga customer. Ang design nla sa restaurant nila ay mga movie poster. Meron din mga board games na pwedeng hiramin kpag kasama mo ang barkada mo. Ang mga inorder namin ay Steaks on a plane (Porksteak Bowl), Beef of Youth (Beef Bowl), Cheese Dating the Gangster (Cheesestick), Lemonade Mouth (Lemonade) at Soda Spring (Coke). Super affordable at masarap ang mga food nla kaya gusto namin lagi kumakain dito. Kaya nga lang nakakalungkot na sarado na sila. Sana after pandemic ay bumalik ulit sila.
No comments yet