read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

Sa totoo lang, sa lahat ng ulam na niluluto ay ito ang pinaka-paborito ko. Ang steamed Talbos ng Kamote at Bagoong. Grabe! Pag ito tlaga inuulam ko, sobrang dami ko nakakain. Hindi ko nga alam baka may lahi akong baka o kabayo. Hahaha! Mahilig kasi ako sa green leafy vegetables. Ang green leafy vegetables ay maganda din kasi sa digestion pati na sa blood flow. Kaya gustong gusto ko sya. Kahit nga sguro bagoong lang, solve nadin ako. Super love ko kasi ang bagoong. Pwede na iulam kahit yun lang. Hehe! Dati lagi ako nagluluto ng bagoong, pero ngayon tinamad na kasi matagal sya lutuin. Ayoko kasi ng bagoong na pink pa. Mejo nalalansahan ako pag ganun. Sabi ng mga nakakatikim ng bagoong na luto ko, wala daw itong lansa at lasang tocino. Hehe! Kaya sarap na sarap din sila. Ikaw? Bagoong lover kadin ba?

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.