read.cash Log in
@Nylydal

Sino si Covid19?

Kilala niyo ba yung biglang nagpabago sa buhay nating lahat. May kaunting natuwa, maraming nagalit, mayroon din daw umabuso sa pagdating niya. Alam kong kilala natin siyang lahat. Tama si Covid19 nga. Ang tanong bakit nga ba siya dumating? Sa opinyon ko mga karidkas tutal lagi nating naririnig sa mga pangaral ng Pastor at mga Pari "Lahat ng mga nangyayari masama man o hindi ay may dahilan". Sa sitwasyon natin ngayon huwag na nating dagdagan ng negatibong pag-iisip ang epidemyang ito bagkus ay gamitin natin ang panahong ito upang magnilaynilay, magpasalamat sa nga biyaya tulad ng dahil sa Covid nakapagpahinga ka sa araw-araw na trabaho, puyat, commute, higit sa lahat polusyon. Ang daming magagandang bagay na nangyayari ngayon sayo tulad nakakasama mo ang pamilya mo,naipagluluto ka ni nanay, hindi mo ba namiss yung bangayan niyo ni bunso, yung patamaran maghugas ng pinggan ni ate, nakakanood ka ng Korean series na walang istorbo😂, ang sarap kayang matulog ng mahimbing lalo at alam mong wala kang lakad, ang virus na to binigyan tayo ng pagkakataon na lalong mahalin, unawain, pahalagahan ang bawat miyembro ng ating pamilya kaya samantalahin mo ang pagkakataon. May blessing pa galing sa SAP. 😁Ang daming positibong bagay na ating nararanasan ngayon. No to negative vibes, para happy lang, bawal mastress para malakas parati ang resistensiya. Sa panahong ganito mga karidkas panatilihin ang social distancing dahil yun lang ang maari nating maitulong sa ating gobyerno, bawal pasaway para rin sa atin to. Let's pray that Covid19 will disappear soon. Stay positive and stay healthy. Don't forget to stay at home and always wear your mask wherever you go.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.