Ano nga po ba ang pagkakaiba ng salitang "Bahay" at "Tahanan" Ang BAHAY (house) ay istrakturang gawa sa kahoy o semento. Ito ay may ibat-ibang silid tulad ng hapag-kainan, tulugan, tanggapan ng bisita, paliguan, kusina at iba pa. Ang "TAHANAN"( home) ito ay istrakturang gawa ng tao na pinamamahayan ng pamilya na puno ng pagmamahal at kasiyahan. Ang tahanan ay bahay na may naninirahan, karaniwan ay nanay, tatay, at mga anak. Heto gumagayak na para sa pananghalian. Itong gulay ay galing sa isang van na umiikot sa aming baranggay upang mamigay at isa kami sa nabiyayaan.
3 comments
Wow ang galing naman po dyan sa inyo.
Ang galing naman dyan sa inyo mommy may pa-free veggies. Pwede na mag-pinakbet. 😊
Wow blessing mam praise God🙏