Wala akong balak magluto, bibili na lang sana ako ng lutong ulam ngunit may kakilala akong dumaan na naglalako ng sariwa at inalok sa akin itong sapsap na isda kaya nakaluto ng pritong sapsap. Masarap sanang gawing pinangat ngunit ayaw ni bunso ng lutong pinangat. Katatapos ko lang kumain at naparami ako sa pagkain ng kanin.
10 comments
Anak ko rin sis ayaw ng pinangat..
Gusto talaga ng mga teens prito lang.
Oo nga po hehe
Ang sarap naman nyan mate, fave ko yang sapsap eh
Sarap kasi nyan sis. Kaya mapaparami talaga ang kanin hehe
Sarap niyan ah, tustado ang pagkakaprito.
Yung sapsap na tuyo Sis, sobrang sarap din.
Akala ko tuyo hihi..sarap nman nyan..
Ansarap po nyan, sapsap lalo na pag malutong ang pagkakaprito ☺ Tyak naparami po ng kain hehe
Is that tilapia fish?