Masarap ang tulog ko nang biglang nagising sa pagtatahol ng dalawang aso namin, ganyan sila pag naramdaman nilang may tao sa labas. Ako naman ay nagtaka kung sino yung tao sa labas at ang aga pa kaya binuksan ko ang pinto, ang anak ko pala na papasok sa work dumaan para kunin ang laptop na hiniram ni bunso kagabi, doon ko naalala na pinagbilin pala ni bunso sa akin ito kagabi ngunit nakalimutan ko na naman o baka loading pa ang aking isipan kanina dahil sa biglang paggising. Forgetful strikes again at an early morning of Thursday, sana tama ako na thursday ngayon. Good morning!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
13 comments
Haha we're just the same. Buti na lang nagising ka sa tahol.
Buti na lang sis at kung hindi, hindi nakuha ng aking anak ang gamit niya sa work.
Hahaha same mii. 31 palng ako pero fogetful na. Ewan ko ba.
Bata pa kayo, eat more peanuts o kahit ano na makakatulong sa paghasa ng ating isipan
I'll try po. Thanks po sa advice..
Hehe good morning ka mate
Good morning sis, ako nman napuyat sa katatahol ng aso namin, may pumupunta kasi dito na ibang aso kaya galit na galit ang aso namin na nakatali
Baka male ang aso na yun at naghahanap ng babae kaya binibisita ang inyong aso.
Yes, Thursday na Ngayon. Na experienced ko din yan, pagiging nakakalimutan . Di lang Minsan kundi madalas. Ganyang na yata talaga pag may edad na. Senior na ako eh, ikaw ba? Good morning sa yo.
2 na lang sis magiging senior's na rin
Good morning ate .
Alert ang aso nyo
Oo sis kaya mainam may aso sa bahay