read.cash Log in
@Nemi

Ang ating buhay

Dumating ang sandali Tao ay pantay-pantay Walang mahirap, mayaman Lahat ay magpapagal Dating mayayabang At maging mga pusakal Aamong parang tupa Matututong magpakatiwasay. Sapagkat ang lahat Mayroong hangganan Tulad ng nobela Nakatadhana ang katapusan Dalawang bagay lamang Ang kahihinatnan Isang malungkot na wakas O masayang pamamaalam. Ang lumipas na sandali Hindi na maibabalik Kahit pa magsisi Umiyak na parang paslit Mga oras na nasayang 'Wag hanapan ng kapalit Pagka't di nag-ingat Sa tinahak na daang matinik. Ngayon ay magsimula Nakaraa'y 'wag lingunin Tanging mga aral Ang siyang pupulutin Ang noon at ngayon Iwasang pagkumparahin Upang buhay ay umusad Sa mabuting mithiin. Sa kabila ng lahat Tao ay mapalad Mga suliranin Kahit gaano pa kabigat May DIYOS na mapagmahal Gumagaan ang nasa balikat Hindi nang-iiwan Tayo ay pinalalakas Mga pagkukulang Siya'y handang magpatawad.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.