read.cash Log in
@Nathan6692 more from that month

STRICTLY NO CELLPHONE WHILE AT WORK! Kakauwi ko lang galing sa work ko at talagang gustong gusto ko nang mahiga ay yumakap ng unan😂. Nabanggit ko kahapon sa post ko na pinilit kong humabol sa meeting na pinangunahan ng aming supervisor at ang meeting na iyon ay tungkol sa mga bagong patakaran na ipapatupad sa aming trabaho. Isa sa mga ipapatupad ang no cellphone policy while at work at ipapatupad na kaagad ito ngayon. Medyo nakakasama ng loob dahil bilang isang crew ay nakakaboring talaga kapag walang customer at wala na ring gagawin na walang cellphone. Sa panahon kasi natin ngayon ay tila hindi na nakukompleto ang ating araw kapag hindi tayo nakakagamit ng ating cellphone, hindi ba? Kaya magiging malaking adjustment ang gagawin namin sa bagong ipapatupad ngayon. Ang nakasama lang kasi sa mga kasamahan ko dahil minsan ay napapabayaan na rin ang kanilang mga trabaho at nakatutok nalang lagi sa kanilang mga cellphone. Good morning noisers, kung kayo ay kakagising lang, ako naman ay matutulog palang😂. Have a nice day ahead!

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.