Umagang kay ganda para sa ating lahat ! "BAGYONG YOLANDA" Isa na siguro ito sa pinaka nakakatakot kong karanasan sa aking buhay. Ito po ay nangyare noong nov. 8,2013. Pero noong araw ng nov. 7 talagang napaka ganda ng panahon hindi mo maaninag na may sakunang paparating. Ngunit noong madaling araw ng nov. 8 doon na nagsimulang umulan ng malakas at sabayan pa ng hangin na sobrang lakas. Isa ito sa pinaka malakas na bagyo na humagupit sa pilipinas lalong lalo na sa eastern visayas ang BAGYONG YOLANDA. Habang binabayo kami ng malalakas na hampas ng hangin noong madaling araw ng nov. 8,2013 ay talagang tandang tanda ko pa na sumisipol yung hangin, sipol na nakakatakot at nakaka pangilabot noong panahon talagang iyon ay napadasal nalang ako na sana mabuhay pa kaming lahat na mag anak. Pero ang mas nakakatakot ay iyong malapit sa dalampasigan dahil nagkaroon ng daluyong o pag taas ng tubig ito ay naging sanhi ng libo libo na mawalan ng buhay. Nagpapasalamat talaga ako na nakaligtas kami sa sakunang iyon. Dito masasabi ko na " Survivor AKO o KAMI " . Walong taon nadin ang nakalipas nang maganap ang malagim na sinapit ng mga biktima ng bagyong yolanda. Rest in Peace para doon sa mga biktima ng trahedya sana masaya kayo kung nasaan man kayo naroroon. #NoiseCash
No comments yet