Hello mga noysersss it's monday morning na naman. Work mode na naman, ingat kayo jan sa mga work nyo. So kanina pag gising ko at pagkabukas ko ng pintuan eh nagsipasok agad tong dalawang pusa nato. Actually hindi ito mga pusa namin sa kapit bahay namin to. Pero kasi nung bagong lipat kami dito eh talagang pumupunta na sila dito sa bahay para makikain. So kami naman binibigyan nadin namin sila lagi ng pagkain kawawa naman kasi pag hindi namin pinakain. So ayan na daily routine nila pupunta samin sa umaga at dito sila nagsstay hanggang 6 PM ng gabi tapos lumalabas sila ng kusa pag gabi. Be kind to animals kahit hindi nyo pag aari basta kelangan ng tulong, mapa pagkain man eh tulungan natin sila. keep safe guys ! God bless us all.
No comments yet