Byahe
*Nakasakay kana ba* *sa biyaheng binabaybay* *Ang kahabaan ng masalimoot* *nating sistema't kasaysayan?* *Biyaheng punong-puno ng lason* *At ang lason ay dumadaloy sa dugo ng ating kababayan.* *Nilalanghap ang hangin sa alapaap* *Ng lipunang may epidemyang lumalaganap.* *Ito ang byahe ni Juan,* *sasakay kana ba?* *Pumunta sa ruta na hindi kabisa,* *Mabisa raw kasi ang mga* *salitang "pwede na."* *Kaya lang din namang gawin* *pero bat puro "mamaya na?"* *Pagkatapos isisisi sa iba,* *Magbabaybay at magdurusa,* *"Bahala na si Batman," yan ang sabi mo di ba?* *Ito ang byahe ni Juan,* *Sasakay ka ba?* *Panatang makabayan,* *iniibig ko ang ibang bansa* *Ganyan mo sabihin ang mga kataga.* *Labis na pinagmamalaki ang katagang, "Pinoy Ako!"* *Kung nilalason mo lang din naman sa kilos at salita.* *Habang naglalakbay* *Sa sistemang sanay* *Kapag may nagpapakamatay,* *Sa wari'y agaw atensyon.* *Mabuhay ito ang bansang hindi kilala* *ang salitang depresyon.* *Ito ang byahe ni Juan,* *Sasakay ka pa ba?* *(Ipagpapatuloy............* *Reference: Literary, the Bicol Universitarian/vol. XLVI (2018)*
1 comment
Hahaha nice tula. Aabangan ko ang kadugtong ng iyong tula kaibigan. San ay iyong e bahagi sa comunidad na eto ang kabyak ng inyo tula. Sa uulitin or susunod na kayugto.