Sunday pero ngayon lang ako nakapagpahinga. Kung dati yung duyan ko eh maganda ang view, ngayon iyo na. Pader na lang. Haha! Tapos may electric fan pa ako sa likod ko banda kasi maalinsangan ang panahon although maulap naman. Si Jowa naman na busy sa barbershop. Madaming nakapila. Andito ako sa bahay ng ate kasi walang kasama mga bata. May okasyon kasi sa side ng brother-in-law ko kaya kahapon pa sila ng hapon wala. Ako yung nagbabantay sa mga bata pati na din sa tindahan. Taga-luto at taga linis. Mababait naman itong dalawang tiyanak ko na pamanagkin kaya ok lang. Medyo pihikan lang sa pagkain. Eh sorry sila, si tita nila ang boss. Hahaha! Kaya kakain talaga sila ng gulay. No choice sila sa akin. Antok ako. Di ako masyado nakatulog kagabi.
No comments yet