So yun nga may abiso na mawawalan ng suplay ng tubig bukas kaya nag iimbak na ako ngayon pa lang. Kami nanaman ng mga pamangkin ko and si jowa ang naiwan dito sa bahay. Ayaw kasi sumama ng mga bata sa Mati City. Andun yung parents nila, nakapagluto na ako ng adobong chicken para sa sinner namin and hinihintay ko na lang mapuno lahat ng lalagyan. Pati washing machine nilagyan ko na lang din. Haha! Panghugas lang naman. Puno na yung malalaking balde sa CR na nasa labas pati na sa loob. Konting oras na lang at mapupuno na ang mga ito dito sa labahan.
2 comments
Buti nag abiso sila bago mag alis ng serbisyo ng tubig.
Opo. Mahirap pag hindi nag abiso.