So heto nga. Nag day off ako kasi napapagod din naman ang katawang lupa ko. Katatapos ko lang maglinis (konti) dito sa property ng griend ko na tinutuluyan namin. Nagwalis lang ako sa function hall at sa gilid ng pool. Mukhang maulan nanaman today. Maglalaba sana ako ng mga beddings namin kaso baka hindi matuyo. Wala kaming dryer. Hehehe. Right now, nakaupo ako sa isa sa mga bench dito tapos ang background music eh huni ng mga bullfrog. Sinusubukan ko bilangin sila based sa sound nila. Nakakalito. Hahaha! Paubos na ang kape ko. Babalik na ako maya-maya sa bahay. May mushroom ako nabili kahapon. Yun sana ang dinner namin kaso pumunta sina bayaw at ate ko kagabi kaya bumili ako pang adobo. Kaya ngayon ko na lang lulutuin.
2 comments
Ganda naman ng view mo riyan while drinking coffee. Dito samin walang hinto ang ulan, ka lamig buti nakalaba na us kahapon at naka dryer naman
Nakow! Umulan dito magdamag. Anlamig kanina