read.cash Log in
@MissPeppermint

Girl Scout Rally ni pamangkin Alexa. Naiyak pa ito siya kahapon habang nagbibihis ng school uniform niya kasi ayaw pasalihin ng mama niya. Eh naawa ako kaya sabi ko sa ate ko na ako ang magbabantay sa kanya kaya pasalihin niya. Pumayag naman ang ate kaya heto, ako ang nakabantay dito. Nagdala ako ng duyan para naman may matambayan ako. Nagbaon din kami ng pang lunch namin. Happy naman si pamangkin yun nga lang kaninang umaga habang di pa nag start yung program eh pumuslit kasama ang mga classmates! Pumunta sa 7/11 na hindi nagpaalam. Hanap ako ng hanap sa school grounds eh wala kaya sinubukan ko puntahan sa 7/11. Di ko naman pinagalitan, kinausap lang kasi medyo sensitive itong bata na ‘to. Pagkakita niya sa akin di pa ako nagsasalita eh nag sorry na agad. Kinausap ko lang at pinabalik sa mga classmates niya. Iniwan ko siya saglit kanina while nagstart na yung program para kumuha ng mga gamit namin, di na umulit pumuslit. Nahirapan nga lang ako hanapin sa dami ba naman ng bata dito.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.