read.cash Log in
@Mimosa08

Malayo man

Bakit ba pag ikaw ay nakakasama Mundo koy bigla na lang sumasaya Sa araw-araw ay hinahanap ka Sa aking mga mata'y nais kang makita Sa mundong ito na aking ginagalawan Hindi ko alam kung may papupuntahan Aking puso'y waring kinikiliti Tuwing nakikita matatamis mong mga ngiti Ang buong pagkatao'y nagagalak Sa tuwing naririnig ko ang iyong mga halaklak Bakit ba pag nagmahal na Ang mundo mo dati'y tahimik lang Biglang nag-iba, nagulantang Gulantang na kaysarap damhin Pagkagulantang na nais mong panatalihin Hindi ko man mahulaan Kung ano ang ating magiging kahihinatnan Subalit iyong pakatatandaan Malaking bahagi ng puso koy sayo nakalaan Malayo man tayo ngayon sa isa't-isa Pero huwag kag mag-alala Balang araw ay magkakalapit din At sa araw-araw ikaw ay yayakapin Kung pakiramdam moy ika'y nakakalimutan Marami lang talaga akong ginagawa Huwag kang mag-alala hindi ako manganagaliwa Mahirap man itong napasukan Huwag mag-alala hindi kita susukuan

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.