Early rants today! Sobrang kalungkutan, panghihinayang at inis ang nararamdaman ko mula kahapon pa nang makarecieve ako nang text galing sa DSWD REGION 3 na isa ako sa makakatanggap nang educational assistance. Bakit? Base kase sa guidelines nila, ang makakatanggap lamang nang confirmation text na mula sa DSWD REGION 3 ang valid na makakakuha nang cash assistance. Nag apply ako online Aug. 27 pero di ko na inasahan since kahapon walang may nag tetext sakin at September 10 na ang payout dito sa bayan namin. Hindi ko naasikaso yong cor ko kase wala man may nag tetext sakin not until kahapon ng 5pm may narecieved akong text galing sakanila. Dalawa lang ang requirements: -COR with pirma nang principal, registrar at may dry sealed nang school. -ID na dapat updated kapag hindi kailangan nang certificate of NO issuance of ID Sobra sobra ang panghihinayang ko dahil huli na ang lahat. Sarado ang school kada sabado kaya't di ko na maihahabol itong requirements na to. Nang hinge ako nang consideration pero ang sabi saakin ay WAG NA RAW AKO PUMUNTA SA MISMONG LUGAR NANG PAYOUT. 😥 Grabe mga sakim. Kung gusto nilang pamigay sana di na nila pinahirapan ang tao kakahintay nang text galing sa kanila or magbigay manlang nang consideration sa mga di naasikaso yong gusto nilang requirements.
3 comments
Dapat pala na-prepare mo na agad yung requirements before pa. Sayang talaga. Sabihan ko na rin kapatid ko na i-prepare na reqs nya kahit wala pang text confirmation, bigla-bigla pala kasi silang nagtetext.
Ireport mo yan kanoise. Aba ang bastos nila ah. Basta ireport mo yan. Morning
I report mo kay Erwin tulfo para mabigyan ng leksyon morning