read.cash Log in
@Mheryl20 more from that month

CHED TDP - Financial assistance for college students Ayon sa mga experto, kung hindi corrupt ang gobyerno malaki at mas marami ang maabutan ng tulong lalo sa pinansyal na aspeto. Noong SY 2017 at 2018, ang per sem na ibinibigay saamin bilang beneficiary ng CHED TDP ay nasa PHP 5,000. So, sa isang taon may natatanggap kaming 10k bastat magaral lamang ng mabuti. Nong nagkaroon naman ang pandemic SY 2019-2020, naging PHP 6, 000 per sem. Sa isang taon may 12k kaming natatanggap. Noong SY 2020-up to now, itinaas naman ni PRRD ang educational subsidy. Umabot sa PHP 7,500 ang per sem na natatanggap namin. So, sa isang taon may 15k kami. Ngayon, napapaisip ako. How much more kung ang susunod na administration ay di korap edi mas lalong tataas nang tataas pa ito at mas marami ang magiging beneficiary ng programa. Oo nga pala, ang programang ito ay originally from P-Noy administration na inadopt at pinagpatuloy ni PRRD. Samantala naman, kung magiging corrupt ang Marcos administration for sure liliit ang pondo ng CHED TDP at mas magiging mahigpit ang pag apply dito. Lalo pa at kaliwa't kanan ang taas presyo ng mga basic commodities at nag suggest din ang department of finance na taasan ang tax. Maaaring wala nang gustong mag invest niyan sa Pinas 😫 Sana wag naman. Good morning everyone 😘

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.