read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Lunch Date With Hubby Kaninang before 12 pm, isinama ako ni mister sa Robinsons doon na lang daw kami mag-lunch. May mga kailangan kasi siyang bilhin doon kaya isinama ako. Gusto sana niya sa Mang Inasal, sabi ko sa Greenwhich naman, miss ko na kako ang overload nila do'n. So ayun, sabi nga niya, "your wish is my command" hehe. Nang kumakain na kami sabi niya, " masarap pala ang fried chicken nila dito". Sabi ko naman "noong hindi pa pandemya, dito kami lagi nagla-lunch ng daughter natin." Kasi favorite ni daughter itong pizza, fried chicken, at itong spaghetti nila dito. Sabi ni mister masarap nga daw lahat. Di ko alam kung gutom na lang talaga siya, kasi kung makikita niyo ang oras diyan sa first photo dito, 12:25 na nang i-serve sa amin. Pareho na kaming gutom no'n. Dahil pareho kaming full after maubos ito, nag-rest kami ng kaunti bago tumuloy sa talagang target niya na bilhin dito at pagkatapos nag- grocery na kami. Wala na akong time na kunan nang picture noong hindi pa ibina-box makikita niyo naman sa mga past posts ko pare-pareho lang ang binibili ko, may nadagdag lang ng kaunti ngayon, iyan ay ang naka-box sa cart (second photo), papalabas na kami niyan sa Rob dadalhin hanngang sa paradahan ng sasakyan. Itong 3rd picture, ito iyong lumabas na kami para umuwi na, 1:40 pm na. Sm Mall iyan, kaharap ng Robinsons Starmills. Matingkad ang sikat ng araw. Pagdating namin dito, nag-reply agad ako sa mga post na nasa notif ko hehe. At ngayon ipo-post ko na itong second post ko para sa araw na ito. Pero dahil gutom na uli bale late meryenda na ngayon, itong nasa last picture, para habang nagchi-chikahan tayo, sabay-sabay tayong mag-snack. Keep safe and stay happy, everyone! Luv u all! @georgia0817

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.