First Day Of August Kumusta ang unang araw ninyo ng buwan ng Agosto mga Ka-mema? Ako, dahil lunes ngayon, araw ng paglalaba ko gaya ng makikita sa last photo, patapos na diyan ang unang salang ko sa AWM. Ini-stop ko lang para malitrato ko ang loob nito. Hehe! Mabuti na lang nakisama si haring araw at pinatuyo niya lahat ng nilabhan ko. Pagkatapos kong i-post ito ako magtutupi at ilalagay sa mga cabinet. Ang ika-3 photo, kalamay gabi. Snack ko kaninang past 10am pagkatapos kong magsampay ng mga damit. Natatandaan niyo ba ang ulam namin kahapon? Meron pang left over. Iyan ang nasa 2 photo, ininit ko na lang pork giniling at fried tilapia, pati rice ko fried din haha! (Ang tipid). Ang bago lang ay ang bagong balat na ripe papaya. Haha! Kung kahapon ng hapon ang snack ko ay ang niluto ng daughter ko na fishball at kikiam, ngayon ang naging snack ko ay fried lumpiang togue, tinda ito ng pamangkin ko. How about you? What are your delicious snacks there? Enjoy eating, dear friends! Luv u all! @Georgia0817
3 comments
nag iisip pa kung ano kakainin pero may baon ako nilagang saging na saba :) pwede na un :)
Enjoy your snack it looks so good
Ayos lng naman sis nggeneral cleaning kmi kya now lng nksilip sa notif