read.cash Log in
@Megeorgia

Late Afternoon Snack Hello everyone! Hindi ko na sana balak mag-snack, dahil natapos akong mag-lunch almost 1pm na. Makikita ninyo nang picturan ko bago ako kumain 12:30 na. Ang ulam namin ay swam mais at iyong tira sa mga pinirito kong galunggong kaninang umaga. Pagkatapos isinunod ko pa iyong dessert ko na ripe papaya. Kaya di ko agad naramdaman ang gutom. Kaya lang dahil sa kaka-scroll ko sa mga post dito na ang sasarap ng mga snacks na nakita ko, nagutom akong bigla. Hehe! Ito lang slice bread ang nakita kong available dito sa mesa namin. At itong binuksan ng daughter ko na Tropicana orange juice. Kaya agad ko ng kinain after kong picturan, para ma-relieve agad ang food cravings ng tummy ko. Ha-ha! Ngayon ipo-post ko na ito. Hehe! Tapos na rin ba kayong mag-meryenda? Well, let's continue making noise here. Ha-ha!

19 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.