read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Snack Time Oras na ng meryenda mga friends and noisers! Nag-grocery ako kanina sa Robinsons after kong mag-lunch ng 11:19 am gaya ng makikita sa last picture. Para di na ako kumain sa Rob, (tipid mode) hehe.. Since madami na akong post sa Robinsons supermarket kaya iyong isinali ko na lang iyong pinicture ko noong nasa labas at sa may entrance. Napansin niyo ba parang walang tao? Ako lang yata ang papasok hehe. Monday kasi ngayon, kaya wala talagang gaanong nag-mall. Saturday at Sunday maraming mall goers. Itong mga groceries ko kapareho din ng mga dati kong binibili na pino-post ko dito. Pero gusto ko lang i-share ngayon itong mga fruits na binili ko, first picture. Noong inilalagay ko sa cart itong orange, 156 pesos ito, sabi noong saleslady na nag-lalagay ng mga bagong dating na mga apple, "Ma'm baka gusto niyo po nitong apple kadarating lang, malutong po ito" Tinignan ko 96 pesos lang, kaya kinuha ko na. Pero maliliit ang mga apple ngayon. Tapos kumuha rin ako ng Papaya (94.50 pesos), kasi last na iyong dessert ko kaninang lunch. Pero snack muna ako dito ngayon bago ako, mag-post. Ito lang Dowee donut at pineapple juice, na nasa second picture. Baka mamayang after dinner niyan maisipan na namang magpa-deliver ng food ng daughter ko. Mag-meryenda na po tayo, mga kaibigang noisers! Luv u all! @georgia0817

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.