Arranging Purchases In Cabinets Maghapon akong di nakapag-post at nakagawa ng content. Napakarami ko kasing naging abala dito sa bahay. Alam niyo na Monday ang schedule ko ng paglalaba, pagluluto at paglilinis ng bahay. Habang ginagawa ko ang mga ito iniisip ko mamayang gabi na lang ako mag-post kasi wala na talaga akong time na gumawa at mag-picture. Nawalan din ako ng gana na picturan iyong almusal namin, lunch namin, snacks namin, kasi sa loob- loob ko lang ang lahat ng ito nai-post ko na ng ilang beses. Parang hindi na kako magka-kainteres ang mga kanoise na basahin, kumbaga sa panoorin, replay na lang siya. So habang isinasagawa ko ang pagsasalansan ng mga gamit, mga damit namin, naisip ko picturan na lang ang mga cabinet kasi sa totoo lang iyong huling pago-grocery ko matapos kong idisinfect ang mga iyon basta ko na lang inilagay muna kahit paano na lang dahil kadarating nga ni mister no'n pagod kami galing Mall at kinabukasan nagluto ako, wala ng time na ayusin ko lahat. Itong araw na ito ko pa lamang inilagay sa tamang paglagyan. Tiyak familiar kayo sa mga pinamili namin ni mister noong Saturday afternoon, dahil pinost ko iyon. Gaya niyang nasa unang picture kinunan ko itong Cabinet namin na lalagyan ng mga grocery ko usually canned goods ang nandirito. Matagal na ang iba diyan mga November 2021 pa gaya ng nasabi ko noon for emergency ang mga iyan. Kaya lang kahit ilang beses na kaming nagka-bisita mula noon, dahil alam ko ang pagpunta ng mga bisita namin hindi canned goods ang niluluto ko kundi nagluluto talaga ako kung ano ang alam kong paborito nila. Kaya iilang canned goods pa lang ang nabawas diyan, pero nadagdagan uli nitong huli kong pamimili. Iyong ikalawang cabinet naman iyan ang cabinet para sa mga laundry detergent, softener, bath soap, and tooth paste. Iyong mga shampoo at conditioner ay nasa bathroom di ko na pinicture. At itong 3rd picture na nasa maliit na table sa dirty kitchen naman ito, dito ko inilalagay ang mga noodles na niluluto ko sa almusal, mga Canola oil, at condiments, mga bread and chichirias. Binuksan ko lang ang box para makita pero nakasara talaga ang mga iyan. At itong last picture kasalukuyan nanoonood ako ng news dito sa kuwarto ng daughter ko. Iyan ang ipina-istilasyon niya kahapon para dito sa tabi ng pintuan palabas ng kuwarto ang pwesto ng Tv, para kahit nakahiga sa kama eksakto ito. Dati kasi ang orihinal na socket sa kwartong ito patalikod sa kama kaya nagpa-istilasyon siya ng panibago. Kasama sa pagbabahagi kong ito ang kuwento ko noong newbie pa lamang ako dito. Noong in- encourage kami ng affiliate ko na mag- noise, noong una siyempre bantulot ako. By nature kasi private person ako, ayaw kong ipinapaalam ang mga bagay na para sa akin ay pagiging showy ba? Pero in the long run ng pagno-noise ko na- feel ko na para mas lalo kayong maging malapit sa bawat isa ng iyong mga ka-noise as much as possible i-share mo rin sa kanila ang mga bagay-bagay na gaya nito para unti-unti nakikilala ka nila kung ano ang personalidad mo. Sa mga bagay kasi na ginagawa natin o kung ano ang nakahiligan nating gawin, doon mo malalaman kung sino ang mga ka-compatible mo kung baga sa kanila. Bagamat personally, ako iyong taong hindi mapaghanap o mapag-judge sa kapuwa, sa halip lagi kong iniisip na lahat ng tao ay hindi perpekto at handa kong mahalin ang sinuman anuman ang kalagayan, pinag-aralan, lahi o anumang katayuan nila sa buhay. Sa mga susunod na post ko ire-reveal ko naman, bakit ni minsan iyong dining table namin di ko pinicturan? Kung napansin ninyo, ang lagi kong ginagamit ay ang laptop table at kapag marami dahil hindi kasya dito doon sa sala namin sa coffee table ko ilalagay ang mga pagkain, but honestly kapag kumain kami sa dining table kami madalas kumakain bilang isang pamilya. Kapag nag-snack ako before bedtime dito sa table sa harap ng tv sa bedroom namin. Minsan ikukuwento ko bakit nga ba hindi sa dining table? Isang malaking kuwento ito! Kung ikukuwento ko ngayon mahaba na masyado ito, tiyak masakit na ang mga mata ninyo ngayon sa pagbasa nito. Ayaw kong mangyari iyon, siyempre! Kumain na ba kayo mga ka-noise? Kung kumain na kayong lahat ituloy lang natin ang ating chikahan dito sa noise! Hahaha! Happy noising, everyone! Love u all! #georgia0817
9 comments
Ayun oh daming ginawa sipag yarn ganda po ng arrange po naks magandang gabi
Magandang gabi rin sa iyo, fren!
Salamat fren daming ganap sayo
Sulit ang isang araw sissy buong kwento wholeday😍 any way kain kana sis muna..before tayo chikahan..good evening..
Wow! daming stock...
ang galing mo naman mag ayos sis :) dati ko pa gusto matuto gumawa ng blog, at ang noise,cash ang naging daan para makagawa ako ng story, based na rin sa mga travels ko, sa mga food trip, tapos natuto na rin ako mag share ng iba pa... hummm parang malaking kwento ang next na aabangan sis hahaha.. ingat!
Well done you buy in one time what you need for month. I do that it helps me, after I buy but not lot of things
Do you buy all month things Georgia?
Wow sipag sis. Mgandang gabi. God bless