read.cash Log in
@Megeorgia

Hello, my dear friends! Kumusta ang maghapon ninyo? Ako, buong araw, halos mga damit ang inasikaso ko. Malaking trabaho din ang mga damit. Pagkahango sa washing machine isasampay, tapos kukunin sa sampayan, itutupi isa-isa at ilalagay sa cabinet. Kapag magulo ang cabinet kailangang ayusin at itupi uli lahat. Tapos may mga damit akong panlakad na kailangang plantsahin. Haays! Ang mga damit talaga napakadaming oras ang nagugugol kapag inasikaso ang mga ito! Sensiya na naidaing lang kasi di ako nakapag-post dahil puro damit na lang ang inasikaso ko. He-he! Ps.Itong mga picture na isinama ko dito ay hindi related sa hinaing ko, isinama ko lang para mawala ang kunot ng noo habang binabasa ang content ko. Haha! Iyan ang mga pinagdiskitahan kong kainin kaninang bago ko umpisahan ang pag-aayos ng mga damit sa mga cabinet. Siguro, inaantok na kayo habang binabasa niyo ito. Kung gayon bukas na lang ng umaga ninyo basahin kasi ngayon lang ako nagka- chance na mag-post! Ha-ha! Goodnight, everyone! Have a nice dream! Luv u all! @Georgia0817

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.