read.cash Log in
@Megeorgia more from that month

Century Tuna Magandang hapon sa inyo mga friends and noisers! Gaya nang sinabi ko kaninang umaga first post pa lang iyon, so ito ang second post ko. Share ko sa inyo ngayon iyong kwento ng lunch namin. Kasi nakabili ako ng galunggong doon sa suki ko na nagtitinda ng isda. Kapag dumadaan siya dito tiyak na tatawag siya. Kahapon iyong nabili kong tilapia sa kaniya gumagalaw pa kaya sa kaniya ako bumibili. Kanina tinawagan niya ako at pinapabili niya ako ng galunggong. Siyempre di na gumagalaw ang mga ito pero fresh pa. Dahil mapagbigay ako hehehe, kaya bumili ako ng half kilo, sa halagang 100 pesos lang. At ipinrito ko agad habang sariwa pa. Tapos para may sabaw naman kami naalala ko iyong post ng isa nating ka-noise mga two weeks ago kung hindi ako nagkakamali, na Century Tuna na nilagyan niya ng repolyo. So for the first time gaya ng makikita sa mga picture dito, ginisa ko ito sa bawang, sibuyas, at kamatis. Pagkatapos inilagay ko na ang Century Tuna, ginisa-gisa ko muna bago ko nilagyan ng tubig nang kumukulo na inilagay ko ang hiniwang saging saba, sumunod ang repolyo. At nang kainin namin, aba! Nasarapan kami. Masarap ang sabaw nito. Actually kahit napakadalang lang naming mag-canned goods, pero nasanayan ko na mag-stock ng mga canned goods gaya ng makikita ninyo sa huling picture, para sakaling may dumating kaming bisita at iyong niluto kong ulam ay baka hindi sasapat meron akong pandagdag na de lata. O kaya just in case na hindi pala ako talaga pwedeng bumili sa labas may kakainin kami. Usually ang ginagawa namin sa Century Tuna, nilalagyan lang namin ito ng chopped onions at lemon or calamasi juice, ganoon lang parang sisig, alam niyo na kapampangan kaya mahilig sa sisig, like pork sisig. Tsaka ang corned beef naman nilalagyan ko lang ng patatas pagka-gisa o basta igisa lang sa maraming sibuyas. Kaya malaking tulong din itong noise nagkakaroon ka ng idea sa kanila kung ano ang pwede mong lutuin. You see, nagkagawa ako ng mahabang kuwento dahil lang sa Century Tuna. Pasensiya na hindi ko agad na- post ito kanina pa kami nag- lunch gaya ng makikita ninyo sa oras ng picture dito. Naligo muna kasi ako at nagpaganda.. hahaha! Saan banda? I- google ninyo.. Hahaha! Salamat mga kaibigang ka-noise sa mga natututunan ko dito at sa matiyaga ninyong pagbasa dito sa munting kuwento ko. Munti? Ang haba nga eh! Hahaha! Always remember this, dear noisers.. I love you all! Lovingly yours, #georgia0817

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.