Luto na ang hapunan namin.. Tara na po kumain mga ka ingay!! Sakto sa malamig na panahon.. Pero sa dami ko namirienda kanina pakiramdam ko busog pa talaga ako.. Pero makita ko lang na magana silang kumain ok na ako hehhe
@Marphy in October 2022
Seryoso yarn hehe.. Mukang maganda ang kasa ng ulam ni MR. Sarap naman daw kasi ng pagkakaluto ko hehe.. Pati ang bagets namin ai sadya naman napakain ulit hehe Nilagang baboy para sa malamig na panahon.. Thank you po lord sa lahat ng blessings na natatanggap namin..
Ito yung time na parehas kaming stress ng bagets.. Sa pagsasagot ng assignment na hindi naman niya masyado naiintindihan… Nalagpasan na siguro namin ang stage na hirap na hirap kami lalo na sa dati niyang school.. Pero ngayon pag uumuwi siya happy na kami kasi alam namin don sa bago niya school na pinapasukan natutukan siya at masaya din siya.. Hindi yung pag uwi niya noon aburido na ang muka niya at alam mo na stress sya..
Kapag ganito ang bagets kaahit na maghapon na yan nasa tubig ayos lang sa kanya hehe.. Mahilig talaga sa swimming hindi ko pa nga lang napapaturuan sa swimming lesson kasi iniisip ko sa sobrang likot niya at baka hindi mag follow kay teacher.. Pero sa susunod na summer at medyo naka kuwag luwag na ai pipiliti. Ko na paturuan talaga siya para pag may mga swimming hindi na siya sa gilid lang ng pool hehehe
Gandang morning sa inyo mga ka ingay! Mukang magpapakita na si haring araw! Panibagong umaga panibagong pag asa! Simulan natin ang ating umaga sa maikling panalangin ng pasasalamat! Thank you po lord sa umagang ito! Sa lahat ng blessings.. Yung pag gising pa nag namin ngayon isang malaking blessings na.. Ingat po tayong lahat
Medyo maganda na ang panahon dito sa lugar namin kaya siguradong mamayang hapon puno na ang plaza ng mga tao… Pati ang mga nilabhan ko kanina ai siguradong matutuyo hehe.. Kayo mga momshie nakapag laba na din ba? Hehe Gandang umaga
Paano ba kumain ng chichiria kapag bawal sa anak mo? Hehe Dahil bawal sa kanya palagi kaming patago ni mr kumakain.. kung hindi kami late na late ng gabi or kaya naman lunch time na wala ang bagets.. Ayaw kasi naman na kumain na siya ng bawal kasi iba talaga ang effect sa kanya.. kaya tiis tiis muna baka naman dumating din yung time na makakain din siya ng mga food na di pwede sa kanya pag controlled na ang behavior niya
Eto na naman nag ka yayaan ng mirienda.. Dahil sa sobrang inggitera ko dun sa nakain ng ice cream napa biki naman ako hehe.. kaya lang napansin ko habang tinitikman ko di ko pa masyadong bet ang lasa hehe Sana nag 711 na lang ako char hahha Kaya sa susunod alam ko na hindi lahat ng mukang masarap ai masarap hehe.. Magandang hapon mga ka ingay!
Eto naman si Mr nagyayaya na kumain daw kami kay manong fishball , kaya lang akoy busog pa talaga nag mirienda kami kasi sa office.. Kumain kami ng kwe kwek ai bukod don may fries pa at ice cream… di ko nga alam kung panu ko ipapaliwanag sa kanya na ayoko na yata mag dinner haha.. Magandang hapon sa inyo.. di ko pa alam kung anung lulutuin ko.
Dinner time.. nauna na ang aming junakis at gutom na daw siya.. Sabi nga niya sabay sabay na kami kaya lang ai yung tatay naman niya ai nasa kwarto pa hehe.. Kaya sabi ko umuna na siya.. Bait yarn hehe..
S&R lipa… Ito yung time na nakakagala pa kami dahil wala pang pasok sa school ang bagets.. Ngayon di na magawa na kasama ang bata dahil bawal mag absent hehe.. mahal ang bayad sayang kung aabsent.. yung isang araw ma matutunan niya ai para sa amin ai nakakapang hinayang kung aabsent siya na ang dahilan laang ai gagala hehe.. Sa dati miya ng school pwede pero yung ngayon di na pwede.. isa pa bawal din naman ang fast food kaya tinigilan na namin ang pag labas labas.. Kami na…
Good morning sa inyo mga ka ingay!! Share ko lang yung throwback picture ng aking junakis… Talagang pag kumakain kami noon sa labas nag rerequest siya ng dalawa dalawang chicken.. Hindi talaga siya nag papabili ng mga laruan basta gusto niya lang ai dalawang chicken.. Kaya naman ng pinagbawal sa kanya ang mga ganyan grabe ang lungkot niya.. pero konting tiis lang at dadating din naman yung time na mag Pwede na rin siya sa mga fast food..
Good morning mga ka ingay! Maulan na umaga sa inyo.. nagsisimula na naman pumatak ang ulan dito sa lugar namin.. grabe kahapon lang ang init.. eto na naman po kami.. Anyways! Simulan pa rin natin ang araw natin ng naka smile! At magpasalamat sa lahat ng blessings!! Mamaya ai may dadating na blessing at sweldo na naman! God bless mga ka ingay!
Maulan ang pagpasok ngayon kaya napilitan na mag tsinelas aba… Ang dilim ng langit.. cancelled na ang pasok ng mga bagets dito sa tapat ng bahay namin.. pero yung anak ko di ko sure kung meron sila.. kaya nakahanda pa rin ang gamit niya sa pag pasok just in case… Ingat po tayong lahat. Maulan na umaga mga ka ingay!
Kain tayo mga ka ingay... May dala na naman ang aking ka work na puto.. Sakto at wala pa akong kinakain hehe"" Ang lamig dito sa office grabe buti may dala akong jacket... Sarap ng mainit na milo ka partner ng puto
Ang lakas ng ulan Kaya mag luluto muna kami ng sipas dito sa office.. Anung oras pa kaya ako matatapos haha ngayon pa lang ako mag gigisa nag patama kasi ako sa oras pa hehe.. Anung ulam nyo mga ka ingay?
Luto na rin sa wakas ang sopas! Late lunch na hehehe... Ai naku parang yung mga announcement dito sa mga school na walang pasok pero nakapasok na kaya ayun mga naguwian ang mga bata na kalakasan ng ulan... Kawawa din ang magulang dahil nasayang ang baon sa pamasahe...
Yung sopas na talaga naman naka ilang init na hehe.. Bago maguwian dito sa office nagirienda muna kaya naman busog pa... Hindi ko tuloy alam kung anung iluluto ko ngayon hehe.. Magandang gabi mga ka ingay!
Yung anak ko excited para da monday sa kaning trick or treat... Kaya naman ayan naka ilang fit na ng isosoot niya.. Bawal daw ang sweets pero sabi mag dala ng mga candies haha... Napamahal pa nga sa custume sa shopee 300 plus lang kaya lang baka hindi umabot kaya sa palengke kami nakabili 500
Paguwi ni mr merong pasalubong hahha.. Grabe saktong sakto na nasira yung sa kwarto namin... Mapapalitan ko na rin.. Parehas na brand yung nasira sa kwarto... Bigay daw ng company nila ang agang papasko naman nito hehehe..
At syempre hindi matatapos ang gabi na hindi ko ma aasemble ang bagong electric fan na dala. Ni mr. Saktong sakto talaga sa kwarto namin hehe.. Pina pili kasi sila kung anung gusto nila kung standfan wall fan or deskfan.. At yan ang napili ni Mr. Kaya naman sabi ko sa mag ama wag na muna kami gumamit ng ac at bago naman ang eletricfan kaya lang hindi sila pumayag hehe Gandang gabi mga ka ingay
Grabe ang ulan magdamag.... Ang lakas... May pasok kaya kami char hehehe... Ingat po tayong lahat... Lalo sa mga lugar na binabaha.... Good morning sa inyo mga ka ingay. God bless
Good morning mga ka ingay.. Di namin mawari kung may pasok ba or wala sa sobrang lakas ng ulan... Pero nag txt naman si manager na wag daw muna umalis ng bahay... Sana naman nga ai wala.. Ingat po tayong lahat
Sobrang binabayo kami ng malakas na hangin at ulan ngayon... Lord gabayan nyo po kami.. Ang office late na nag announced na walang pasok ka loka.. Buti at hindi pa naman ako nakakaalis ng bahay... Ingat po tayong lahat!!! Bubong kapit ka lang kaya natin yan...
Dahil malakas nga ang ulan nag yaya naman ang aking junakis na maligo daw sa ulan kasama ang ninong niya... Pinabayaan ko na.. Basta sabi ko ai wag siya. G masyadong mag bababad at siya ai sinisipon pa.. Minsan ayoko hadlangan yung mga simplemg kaligayahan ng bagets..
Yung ang lakas lakas ng ulan kanina... Sana naman ai tumigil na... Laging may babala sa txt..... Pero dito medyo mahina na ang ulan pero ang hangin rinig namin na parang pa ikot ikot.. Parang ipo ipo kaya nakakatalot... Mabuti na lang dumaan ai umaga.. Mas nakakatakot kung gabi
Mga eksena pag bumabagyo.... Nalalagya ng palanggana kasi tumutulo ang bubong... Hayss namatay na rin ang kuryente.. Siguradong mamaya pati tubig wala na rin... Ang baba ng hangin parang may ipo ipo... Sana naman ai matapos na ang ulan na ito...
Parang ang lungkot ng ulam pag walang ka partner hehhe.. Grabe naman si paeng ang tindi hanggang ngayon lakas pa din ng hangin at ulan anung petsa na kaloka... Nag lunch nq ba kayo mga ka ingay.. Or ako na lang ang hindi pa hehe.. Magandang hapon na pala..
Muka talagang pinaramdam ni paeng ang kanyang bagsik maghapon na talaga umuulan... Wala paring pag asa angnkuryente sa lakas ng hangin... Automatic naman dito na pag walang kuryente walang tubig... Panu makakapagluto hehehe. Ai naku paeng pakiusap tumigil ka na.. Ang dami na naming palanggana sa salas..
Good morning sa inyo mga ka ingay Ngayon lang ulit nakapag ingay!!! Dahil sa hagupit ng bagyo dito sa samin... Magdamag walang kuryente.. Pati mga signal ng telepono wala.... Sana po lahat tayo ai ligtas... Thank you po lord sa panibagong umaga!
Hay!!! Salamat nagpakita na si haring araw!!! Grabe ang naidulot ng bagyong ito... Napaka daming kong ligpitin at labahin... Pero thankful pa rin at kahit sobrang lakas ng bagyo di naman kami binaha... Tumulo lang ang bubong... Mabuti at hindi rin nabaklas ang bubong namin sa lakas ng hangin... Naka ilang landfall ka ba paeng? Dalawang gabi mo kaming pinuyat....
Dahil napuyat ang bagets hanggang ngayon tulog pa.. Nainitan kasi kagabi kahit paypayan ko ng paypayan naiinitan pa din daw siya kaya ayan napuyat… mabuti madaling araw ai nagkaron na din ng kuryente.. kaya nakatulog na.. Habang tulog pa mag luluto na ako ng ulam niya at mag papaikot sa washing machine
Luto na ang almusal namin ng bagets… Kain na po tayo mga ka ingay… Nagbukas lang ako ng delata kagabi hapunan namin yung natira naman breakfast.. mabuti na ang at ng mawalan ng kuryente wala din laman ang ref namin hehehe.. Petsa de peligro kasi di pa nga pala ako nakak withdraw ng sweldo..
Namalengke muna kahit medyo late na.. Ang mahal ng bilihin aba kaya naman yung 1k parang inanod lang sa kamay mo.. Hindi na nga ako bumibili ng madaming mga gulay na alam ko na aabutin din ng sira tingi tingi na lang ang importante may ulam ang aming bebe boi.. kami naman ai tilapia na sasabawan ai pwede na
Throwback picture ng aking bebe boi... Mahilig kasi yon mag selfie noon... Pero ngayon lumaki na ai medyo nawala na yata hehe.. Hindi na ako nakakakita ng selfie sa phone ko eh hehe.. Tuwang tuwa lagi siya selfie noon kaya halos siya ang laman ng gallery ko hehe
Yung may nagbigay na kapitbahay… Salamat sa kapitbahay at talaga naman lagi kaming nabubusog… Meron na naman pagsasaluhan sa mirienda… Kayo mga besh anung mirienda nyo? Magandang hapon
Grocery time muna kami ni bebe! Ang daming bawal kaya madaming natanggal sa grocery list namin.... Nasa pila na kami wala pa nga mag babayad on the way pa lang hehehe... Gandang gabi sa inyo!!
Dinner time muna tayo mga ka ingay… Sarap humigop ng maasim na sabaw… Medyo umuulan na naman kasi dito sa lugar namin kaya masarap na may mainit na sabaw.. Thank you po lord sa pagkain sa hapag kainan
Pag taga pag laba ka sa bahay masaya talagang makita pag madaming sabon.. Pag naging nanay ka pala talaga yung mgaa ganyang bagay happiness na talaga natin.. Kung kaya din naman isma sa grocery mas makkatipid kasi sa sa grocery kesa sa patingi tingi sa tindahan..
Good morning sa inyo!!! Napaaga na naman ang gising ko ang aga ko kasing nakatulog.. Ang anak ko na excited for today dahil may trick or treat daw sila sa school, nakakatuwa naman at mag dance daw sila hehee.. Ayaw kaming pasamahin at yung tito na lang daw niya ang manood sa kanya hehe
Malamig na umaga mga ka ingay!! Eto na naman po tayo umuulan na naman.. San naman ai wag lumakas kahit ngayon lang para sa mga bata.. dahil nga may program sila… Kung sa bagay mamaya pa naman yun hapon pero sana naman ai wag umulan… Bibili pa kami ng cake
Luto muna ng breakfast! Tinanghali na naman ako ng luto meron pa naman kaming lakad! Pritong tilapia at itlog na may sibuyas at kamatis.. Mukang matagal pa bago ako makakaluto.. Good morning sa inyo! Naka pag breakfast na ba kayo?
Luto na ang almusal kain po tayo mga ka ingay! Nakahanda na sa lamesa ang pritong tilapia at Itlog samahan pa ng sinangag! Sana naman magustuhan ng mga kasama ko sa bahay dahil pandalas na ako sa pag luluto..
Punta muna kami sa kabayanan para bumili ng cake ng aming bagets.. dadalhin sa school para sa party nila mamaya… Ayan medyo umiinit na din ang panahon.. mabuti naman at mukang mag eenjoy ang mga bata..
Ready na ang aming cake na dadalhin sa school ng bagets hehhe.. Meron kasing potlock ai wala na akong oras para mag order or magluto isa pa mas madaling mag bitbit ng cake hehehe.. Sana enjoy ang mga bata today!
Ready na si batman!! Diyos ko po sana naman ai wag simumpong sa performance niya hehehe.. Good luck anak hehe.. Muka naman walang S ang bata at excited pa nga..
Happy naman si batman ko!!! Oa pero nakakaiyak habang nag peperform siya kanina kasama mga classmates niya.. Masaya ako na nakaka adopt at hapoy siya sa bago niyang school.. Good job keademan!!!
Hindi ko birthday pero nakalkal ko langbyung picture ko heheh... Nakakalungkot lang at ang layo na sa dating katawan ko haha parang na miss ko na yung mga payat days moment ko.. Hindi ko naman magawang mag exercise haha wala ng time, mga dahilan ng tamad haha..
Dahil medyo nag iinarte ako at gusto ko ng sisig kahit traffic susuungin. Ni mr hahha.. Hindi po ako nag lilihi sadyangbgusto ko lang po ng sisig noon isang araw pa... Buti na lang good mood si Mr. At nag drive kahit traffic.
Sisig with unli mayonaise Kain na po tayo ng dinner mga ka ingay! Salamat sa mabait kong asawa char hehehe.. At sa pagiging inggitera ko kay master issay hehee Napagbigyan na din ang aking cravings hehe!! Tara kain na po tayo
Lahat ng cravings ko today ai talaga naman napagbigayan hehehe.. Medyo umaray mga lang yung bulsa ko pero ok na rin kasi pag kain naman at inulam naman namin hehe.. eto talaga yung siomai na hindi tinipid.. Kaya naman dito kami lagi nabili ng siomai 10.00 each hehe..
Good morning sa inyo mga ka ingay! Panibagong umaga panibagong pag asa! Simulan natin ang atingn mga araw na naka ngiti dahil yung pag gising pa lang natin ngayon isang malaking blessings na! Salamat po lord sa araw na ito! Ingat po tayong lahat… God bless
Pagkatapos mg bagyo syempre ito na ang nakaabang ang nakaabang angbsandakmak na labahin mga momshie, sayang din kasi anhnlaba kumg mag aamoy kulob kaya mas iniintay ko talagang uminit sana naman ai mag tuloy tuloy para naman mamaya ai tutupiin na lang ang mga damit.. At mag plantsa mamaya papasok na naman hehe