read.cash Log in
@Maron

Habang ako'y natakam sa halayang ube ewan ko kung ano nakain ni hipag at gumawa ng ube hindi ko pa natatanong kung bakit sya gumawa nyan pero masawap sya " ube halaya"kayo dyan. Gusto ko lang ishare yong napakinggan kong storya dahil nangyari din ito a few years na.Yong aming driver sa dati kong work nakita syang walang ulo.Ang ginawa ng mga marites ikinuwento sa buong company kaya nausog at walang nangyari sa kanya. Pero yong napakinggan ko sa radyo dalawang beses syang nakakita pero hindi nya ipinamalita or binigyang babala.Una yong nakita nya yong lola ng friend nya na walang ulo pagkaraan ng mga ilang araw namatay yong matanda. Sumunod yong mga kaibigan nya nakita rin nya sa cemera nong kukunan nya ng picture mga wala din ulo.Natakot sya pero hindi parin nya sinabi tas nong time na araw ng pagbiyahe nya nilagnat sya hindi sya nakasama nauna yong mga kaibigan nya. Pagdating nya sa resort nakita nya yong mga friend nya medyo lasing na .Sabi ng mga friends nya kala namin hindi ka susunod tas nong naginuman na sila biglang nagring yong cp nya.Tumatawag yong mother nya tinatanong sya kung nasaan ba sya.Ang sabi nya nasa resort sya kasama ng mga kaibigan nya. Sabi ng mother nya "anong kasama?hindi mo ba alam na naaksidente yong mga kaibigan mo walang nabuhay ni isa l"!.Nabitawan nya yong cp nya paglingon nya nakita nya yong totoo mga duguan labas ang mata balibali ang mga braso ng mga kaibgan nya. Nahintatakutan sya ang sabi ng mga kaibigan nya "halika ka na sumama ka na saamin diba sabi mo walang iwanan kaya sumama kana.Sabi nya ayokong sumama sa inyo nagpumiglas sya.Kaya nong paggising nya nasa hospital na sya nakita sya na nasa gilid sya ng swimming pool.Pero yong totoo nilulob sya sa swimming pool pilit syang sinasama dahil kasalanan daw nya kung bakit nangyari yon. Ang tanong dito kung sinabi ba nya maniniwala kaya yong mga kaibigan nya..?Sa panahon kasi ngayon kadalasan binabalewala yong mga sinasabi mo yong iba pipilisopohin ka pa.Wala naman mawawala kung susunod tayo lalo na ang pinaguusapan dito ay ang kapakanan mo. Saka hindi mo pwedeng isisi sa kapwa mo ang mga nangyari kaya yong nasa kabilang mundo na dapat ang isipin nila ay kung paano sila hihingi ng tawad sa maykapal para ng saganon matahimik na sila at makaakyat na sa langit.Tulungan din ng mga nabubuhay pa na laging ipagdarasal ang kanilang spirit. Kung makakaexperience kayo ng mga nakikita nyo dapat sinasabi ikinakalat para nauusog sya at nabibigyang babala ingats happy lunch.

15 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.