read.cash Log in
@Marinela2525

Isang tula na aking isinulat noong 2018 bago ako magtapos sa ika-labing dalawang baitang(Grade-12) Ilang araw nalang at tututong na sa entablado, sa entablado kung saan tayo magtatapos sa ika-labing dalawang baitang(Grade-12). Mga pinagdaanan ay hindi naging madali, maraming pagsubok ang dumating. Ngunit kahit minsa'y hindi nag padaig Maraming beses mang sinubok ng tadhana Ngunit kahit kaylan ay hindi nagpadala Patuloy paring bumangon, ilang beses mang nadapa Marami mang nangyari, madami mang humadlang patuloy paring lumalaban Ilang beses mang sumagi sa isip na wag nang lumaban Ngunit nanaig parin mga pangarap na nais makamtan Sa ating pagtatapos pasalamat sa ating mga magulang Kung saan lahat ay ginawa upang maitaguyod ating pag aaral Lahat ay ginawa nila para ikaw ay makatapos Sa ating pagtatapos hindi nangangahulugan na tapos na Tayo ay gagawa muli ng panibagong simula Simula kung saan kakayod nanaman sila Gagawin ang lahat upang matustusan ka Lahat ng hirap ay titiisin Makamit lamang ang kanilang naisin Mga magulang na dugo at pawis ang puhunan Mga balakang at kasu-kasuan ay nanakit kanilang titiisin Bastat maibigay nila ang natatanging pamana nila sa atin Dapat lang na suklian natin ating mga magulang Wala mang medalyang maihandog Sapat na ang diploma na ikay nakapagtapos Dahil lagi nilang sinasambit "tanging edukasyon lamang ang aming maipamamana sa inyo na hindi mananakaw na kahit ninuman" Kaya dapat lang na ating pahalagahan bawat sentimo, bawat piso dahil ito ay pinaghirapan nila upang tayo ay mapagtapos. Dapat maging proud tayo sa kanila dahil deserve nila na ipagmalaki natin sila sa buong mundo, kapos man sa karangyaan ngunit nagawa nila na tayoy itaguyod Bago matapos ang aking mensahe, ikaw yakapin mo ang iyong magulang at magpasalamat ka sa kanya dahil naitaguyod ka nila. Kung hindi dahil sa kanilang pagsusumikap ay wala ka rito, wala tayo dito, salamat ama't ina malapit ng dumating panahon na ako naman, ako naman ang magsusukli sa inyong paghihirap, ako naman ang magtatrabaho para sa inyo. Mahal namin kayo isang masigabong palakpakan para sa ating mga magulang because they deserve it. Thank you and congratulation to all of us

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.