Dinner time Musta mga ka noise mate, dami ko ginawa work work muna si girl. Share ko lang po ginawa ko kanina kaya di ako nakapagbalig ng pagmamahal sa inyo. Bilang isa magbubukid yung tipong lumaki talaga sa bukid lahat na ata ng trabaho sa bukid eh alam ko tulad ng pag bubunot ng punla, pagtatalok o pagtatanim ng palay, at pag aani nung wala pang harvester. Kanina ang ginawa ko po ay ang pag bubunot ng punla hehe diko lang napicturan wala kc dala cellphone eh bawal bka malublub sa tubigan. Inabot din kami ng hapon arimuhanan po kc dalawang piso ang isang tali. Mahirap sya maghapong nakayuko at kumakaybot ang dalawang kamay sa putik para maka isang bigkis. Need kc kailangan na mag ipon para sa mga damit ng aking anak pampasko. Kaya ngayon ito lang po kinaya ko na lutuin pansit canton lang po talaga yan hehe bigay ng bianan ko yung ampalaya at salad yung tuyo naman tira lang namin kanina. Subrang pagod po kc eh pero ok lang kc lahat naman ng ito ay para sa aking mga junakis kaya nung yakapin ako ng mga anak ko unti unting nawawala yung pagod. Kain na po kayo mga noise mate.
2 comments
Okay lang yan sis ang mahalaga may mapagsasaluhan sa hapag kainan. More blessings sayo at sa buong family mo. Laban lang tayo at pasasaan ba at makakaraos din.
Yes po mam sana nga po. Laban lang