read.cash Log in
@MRCLEAN more from that month

Maligaya at masayang hapon sa inyo mga ka noise. Share kolang po sa inyo ang tanim na lagundi nang aking mahal na mama. Ang ganda pala tignan pag malago yung dahon dahil sa ilang araw na pag uulan, na alala ko tuloy nung bata pa ako sabi nang mga kaibigan ko mariwana tanim namin hahaha. Hindi naman po yata ganyan itsura nang mariwana may kaunting hawig lang po hehe. Sa mga hindi pa po nakaka alam ang pinakulong dahon nang lagundi ay mabisang gamot sa ubo pati nadin po sa mga plemang napaka hirap ilabas. Nung mga bata pa kami yan pina iinom samin after non mabilis kaming nawawalan nang ubo. Talagang napaka tipid kumpara sa mga lagunding gamot ngaun na nabibili natin sa mga butika, hindi naman po sya mapait inumin para ngalang po syang tubig eh. Yun ngalang may kulay sia hehe. Kaya kung kayo ay may ubo. Lagundi lang po sapat na. Pag di umepekto sa inyo mas maiging magpa konsulta nadin tayo sa doctor😅 #magandanghaponsainyo

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.