Halina't kilalanin ako
Narito ang isang tula upang mas makilala ako Katangian, kagustuhan, pati pangarap ko Mayroong sikretong maibabahagi ako Halina't kilalanin kung sino ako Minsan ako'y napapatingin sa salamin Upang pagmasdan ang aking sarili at kilatasin Ano ang kailangang baguhin Pango kong ilong, ang hirap tangapin Ako pala yung tipo ng tao Minsan maingay, minsan walang kibo Depende sa taong nakakasama ko Ang kilos at mga ginagawa ko Ang mundo na dati’y malayang ginagalawan Biglang naglaho pati pangalawang tahanan Ang dating masaya at makulay na mundo Ay unti-unting nagbago dahil sa birus na ito Tahanan ang nag silbing paaralan Kay raming distraksyon at pinagkakaabalahan Kalungkutan ang bumabalot sa bawat aksyon Minsang nakaranas ng pagkabalisa at depresyon Kalungkutan ay hinanapan ko ng solusyon Hilig sa pagsayaw, doon nalang itinuon Nagbasa ng libro, naglaro, at nanuod ng telebisyon Hanggang sa umayos na ang aking kondisyon Ngayon, ako ay nasa ikalawang taon na ng kolehiyo Kursong narsing ang pinag-aaralan ko Talagang mahirap at kailangan ng dedikasyon dito Hindi pwedeng manghina lalo na’t mahirap ito May mga pagkakataong pinaghihinaan ako, Inaaliw ang sarili, minsan natutulog ako Kalusugang pangkaisipan iniingatan ko Naglalaan ng panahon upang makapag relax ako Ang daming pangarap na gusto kong matupad Katulad ng isang ibon na malayang lumilipad Nais ko maging isang nars, negosyante, at mabuting estudyante Kahit minsa'y nahihirapan, pilit pa rin aabante Nangangarap ako hindi lang para sa sarili ko Isa sa inspirasyon ang pamilya ko Pilit lalaban at hindi sususko Ipagpapatuloy ito hanggang kaya ko Laking pasasalamat ko sa pinagtunguhan ko, Bagaman alam ko na, kung ano ang haharapin ko, Lakas lang ng loob at determinasyon ang kailangan ko, Patutunguhan ko’y malayang pook na sinilangan ko Thank you, everyone! :>>
No comments yet