read.cash Log in
@Lunafaye129 more from that month

Tula para sa obra ni Leonardo Da Vinci, "Mona Lisa" *ni: Fiona Faye N. Lausingco*

Itong kabigha-bighaning dilag na siyang tuluyang bumihag sa mga matang tila nakalatag sa iisang obra—kay ganda, liyag. Hugis ng mukha’y tila perpekto; wala mang kilay,’di nagpatalo. Sa rikit ng pagkakapinta rito, tiyak na nakatatak ito sa mundo. Inspirasyon ay si Lisa del Giocondo sa pagkakalimbag na ito ni Leonardo. Walang papantay sa halaga nito, lalo sa puso ni Francesco Giocondo. Ang pintor ay malikhaing-higit. Ang ‘Mona Lisa’ ay obrang ’di pilit. Punong-puno ito ng hiwaga at rikit. Kaysarap pagmasdan nang paulit-ulit.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.