read.cash Log in
@Lunafaye129 more from that month

Mayroon ka na lamang ilang oras bago mamatay, ano ang huling tulang isusulat mo

Enero 9, 2003, unang nabuksan ang ilaw ng aking mundo Dumaan sa pagkabata, dalaga, at ngayon huling araw ko Sa pagmamasid, pag iisip, andaming napagtanto ko Buhay na pinangarap ko, andito na ba ako? Nasa gilid, nag-iisip kung ano ang maaring isulat pa Mga pangarap, mga bagay, mga problemang kinakaya Napapagod, nanginginig, buong katawa'y pabagsak na Ayaw pa sana sumuko ng mga mata ngunit katawan ay pabagsak na Huling kinang sa aking mga mata Unang alab ng huling araw magpapaalam ang bihag ng tanikala Walang humpay na daluyong ng mga ala ala'y titigil na Aking katawan, napapagod at nanghihina na Malinaw ang buwan, malamig ang simoy ng hangin Nagmamasid sa paligid, nag-iisip at nag-aalanganin Saglit napapatingin sa repleksyon sa salamin Dilim at katahimikan, nagpaparamdam saakin Unti-unting humihina, apoy saaking gasera Nagbabadya na oras ay patapos na Oras, minuto, at segundo ay bilang na Liwanag sa madilim na gabi, nawalan na ng sindi

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.