read.cash Log in
@Luckymae

Kinilig ako kanina 😚 Kanina pumunta kami ng pinsan ko sa Mall para bumili ng mga needs sa bahay. Sabi ng isa kung pinsan, " Mae may bibilihin ako sa department store, sasama kapa ba? Sabi ko naman sa pinsan ko, Dito na lang ako insan sa upuan, Hintayin kona lang kayo dito, kasi pagod na ang mga paa ko.. Ganun na nga ang nangyari . A few minuy later.. May nakita akung lalake sa may d kalayuan sakin, nakatingin sya sa may banda kung saan nandun ako. Ako naman, todo na pacute at kinakabahan. Hala! Sabi ko sya na kaya si Mr. right? 😘 Few minutes ulit, papunta na yung lalake sa kinaruruunan ko. Nakangiti sya, ang gwapo nya. Habang papalapit sya, hindi kona alam kung anung gagawin ko, Tapos ng malapit na sya sakin . Bigla syang lumampas, Hindi naman pala ako ang tinitingnan nya, yung babaeng katabi ko sa upuan, Sabay sabing, baby sorry I'm late πŸ˜‚ Boyfriend pala yun ng babae na katabi ko! 🀣🀣Saklap besh. Haha __mae

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.