read.cash Log in
@Love_16 more from that month

Unang Paskong Wala Ka **Unang Paskong Wala Ka** Tila kay hirap sumaya pag ang puso'y nagluluksa Di masabi kung ayos lang ba o hindi Tatlong buwan na mula ng ikaw ay umuwi na sa Kanyang kaharian Ngunit ang sakit ay di pa rin napapawi Walang makapagsasabi kung kailan mawawala o kung mawawala nga ba ang sakit Kay hirap tumuloy sa lakbay ng buhay pero kailangan Masakit na di ka na makakasama kailanman liban na lang kung tawagin na rin ng Maykapal Isa lang ang sigurado, maghihintay pa ng matagal Matutulog at gigising ng umiiyak Masakit ang puso na di kayang madala sa tableta Mugtong mga mata itatago sa likod ng mga ngiti na di umabot sa mga mata Magpapatuloy sa buhay na tila ayos ang lahat Ang sakit ay panandalian ngunit kay hirap kalimutan Nasa proseso ng paghilom mula sa sakit na di malulunasan ng anumang gamot Darating ang araw matatapos din ang lahat at makakangiti na ng tapat Sa ngayon dadamhin muna ang lungkot ng iyong pagkawala Love_16 December 25, 2021 Saturday

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.