The Power of Bisyo May maliit akong tindahan.. Mostly ay sigarilyo, softdrinks at mga biscuits ang binibenta ko kasi halos mga lalaking trabahador dito sa village ang mga bumibili. Pailan ilan lang ung mga taga rito talaga na costumer, palibhasa nga may mga kaya ang mga kapitbahay namin dito sa village. Pansin ko lang talaga, pagdating sa bisyong sigarilyo, kahit ata sampung piso pa isang stick e bibilhin pa din nila. At ang sipag bumili, ung kahit umuulan e talagang lalabas pa ng bahay. Mapapailing ka na lang din minsan kasi pabalik balik bibili ng tig isang stick.. he he
22 comments
kadiri pero totoo. habang maaga pa iwas na ang bisyo.
Walang epekto sa kanila yung mga nasa label ng kaha sis
haha oo nga. pero kapag nagkasakit sila doon na babawiin nako.
Oo nga. Kahit gaano pa makahal ang sigarilyo, may bibili pa rin..
Kaya nga sis, di sila nanghihinayang sa perang sinusunog
May kawork nga ako dati, hnd sya kumakain ng lunch. Nag yoyosi lang sya.
Ay grabe naman un.. nabubusog sa usok?
Oo may mga ganu talaga. Yung iba ko naman nakawork sa call center. After ng shift namin na 6am. Diretcho sila sa 7/11 bili sila red horse na malaki. Iinom sila at an early morning. Take note mga babae pa yun. Hehehe
truu po yung asawa ko din ganyan pero napagsasabihan naman lalo pag may anak na maliiy kawawa kaya ang lagi ko sabi sa kanya kada uuwi sya hugas ang kamay at nakapag sanitize sya
Mabuti po kung ganun. Yung lip ko din grabe makapanigarilyo
Totoo yan friend...hindi na talaga maalis pero pag naglasakit, grabe ang daing
Buti sana kung sila lang mahihirapan pag sila ay nagkasakit
Buti Ako na stop ko agad now pink na Ang baga ko.
Good for you sis
Naku bast bisyo talaga ayaw pakawalan
Sinabi mo pa. Nakakapanghinayang lang kasi ang pera nila
Ano kayang meron diyan sa yosi hindi naman nakakabusog sakit lang abot.Ang mahal pa naman.
Oo sissy gagawin talaga nila lahat para mairaos nila ang bisyo nila..
Pag pinatigil mo nmn Ang tigas Ng face ksi ayaw tlga tumigil sa pgyoyosi pg nkasakit tska pa mgstop.
Pag gumamit ka niyan like sigarilyo maadik siguro sis nuh.
pero dami paring chain smokers
mahirap den maalis ang sigarilyo parang hanap ng katawan nila . ang malungkot nyan magka sakit o kanser :(