read.cash Log in
L@Lida

Small business Sobrang na busy pala ako ngayong araw at ni hindi nakapag post dito kay noise app. 6:30 pa lang kasi kanina pumunta na ako sa palengke. Namili ng pang ulam at dagdag paninda dito sa maliit kong tindahan. Pagdating ko naman, inumpisahan ko muna mag imis ng kalat at linis sa kusina. Mga 8 am na nung mag start akong linisan itong pwesto ng aking cabinet na patungan ng paninda. Iniba ko ang ayos para magkaroon ng space ang maliit naming Christmas Tree. Konti lang naman ang paninda ko pero kahit paano ay may tinutubo din. Dagdag din para sa araw araw na pamasahe ng aking senior high na bunso. May isa pa nga pala akong pinagawa kay lip na sabitan ng paninda, maya ipost ko bago matulog..

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.