read.cash Log in
L@Lida

Yuni, ang pusang palatakas Siya ay isang persian cat, nabili ng anak ko two months ago na. Two years old na daw sya ayon sa may ari. Babae sya kaya nagustuhan ng anak ko at balak nga na paanakin sana. Kaso nung one week pa lang sya sa amin, tumalon sya sa bintana sa second floor at nawala ng 20 days. Buti na lang di tumigil ang anak ko sa pag po post sa mga group page dito sa subdivision namin. At buti may magandang loob na nagsabing nasa garahe daw nila si Yuni at nagtatago sa ilalim ng kotse nila. In short, nakauwi na si Yuni. Two weeks naman syang naging mabait ulit hanggang nakahanap na naman ng pagkakataon na makatakas. Nakarating na naman sa kabilang block. The same day me nagsabi na nasa ilalim din daw sya ng sasakyan nila, at sumisiksik pa sa may engine.. he he Tatlong araw lang ang pagitan, ayon nawala na naman. Yung screen ng bintana namin ay nabutas pala nya. Bumalik pala siya dun sa unang napagkuhanan namin sa kanya, sa kabilang phase pa. Kagabi, eto huling huli ko kung paano sya tumatakas. Buti na lang nakasara lahat ng bintana kahit me screen na.

30 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.