read.cash Log in
L@Lida

Done repotting my plants Malakas ang ulan kahapon kaya malambot ang lupa. Kaya naman kaninang umaga pagka alis ng apo ko papuntang eskwela ay sinamantala kong maglinis ng bakuran. Tinaggal ko na ang mga ouno ng okra kahit namumunga pa kasi pinamumugaran ng mga higad. Nilipat ko rin yung ibang mga mayana at pinagtabi tabi ko sa isang pwesto. Yung mga aloe verang nasa paso, pinili ko ung malalaki at nilipat sa lupa. Yung maliliit ni re pot ko na lang. Pati yung ibnag maliliit na pananim ay nilipat ko din ng taniman para makahinga sila at di magsiksikan sa isang paso at mas maging malusog sila

18 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.