read.cash Log in

@Laven

Joined 8 September 2022 · 88 posts

My life with my one and only princess 👸 💚💚💚 #OurStory

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Laven

-->… ☺ Happy Holiday Noise Family… Late na ako nagising kanina dahil umuulan… ang sarap pa sanang matulog…at dahil tanghali na bumangon gumawa na lang ako ng champorado…tapos pagka gising ni bulilit pinakita ko sa kanya ung rainbow na kuha ko kanina…sabay silip sa bintana kaso wala na ung rainbow… abay naka simangot na nung humarap sa akin… sabi pa niya "wala na ung rainbow umalis na…tulog pa si Lanne" 😔… hahaha… bumalik lang ung mood niya nung sinabi ko na gumawa ako ng champorado… biglang na excite at ito nga tig dadalawa pa ung kutsara na hawak… magkabilaan eh!…hahaha… busog yan naka dalawang plato ng champorado eh!…sarap na sarap cya nakalimutan na si rainbow… hehehe

@Laven

-->… ☺ Walis Tambo… Good morning Noise Family… mahigit isang taon din yatang hindi napapalitan itong walis namin… hahaha… kaya ayan dugyot na dugyot na ang hitsura…hahaha…hindi lang naman yan may dalawa pa kaming walis na ganyan narin pud2x na… buti na lang at makaka pagpahinga na sila 😂… may ka alili na kc dumating kahapon kaya itong bago na naman ang mag seserbisyo sa floor…ang problema ko lang ngayon hindi ito pinapagamit ni bulilit sa amin… gusto niya cya lang ang gagamit 🥴… ang binibigay niya sa amin itong pud2x na… hahaha…

@Laven

-->… 😂 Perang Hindi Akin… Magandang hapon Noise Family… na alala ko tumawag pala si sir na taga Card Bank nung Friday… pina alam na ngayon araw na ito kukunin niya ung collection namin dahil sa Wednesday holiday tapos bukas naman cut off daw…muntik ko ng makalimutan at wala akong pera… hahaha… mag ka client initiated na lang ako… bayad2x din sa utang pag may time 😅…diba! pag walang utang pinipilit kang pa uutangin tapos pag wala kang pera kinukulit kang pagbayarin…hahaha...kasalanan din nila kc nagpapilit sila…kulang pa itong collection ko marami pang hindi nagbigay… wala din daw silang pera at bukas pa ang sweldo… agoyyyy…

@Laven

-->… ☺ Before and After… Happy and Blessed Sunday Noise Family…masakit na sa balat ang init ni araw today sana tuloy2x ang init ngayon para tuyo lahat ng mga nilabhan ko… Na tapos ko na din ung damit na tinahi ko para kay bulilit… ung isang damit na binigay sa akin na hindi kasya kahit anong pilit ko di talaga kaya mapupunit lang… hehehe… ito at na gawa kong dalawang damit para kay aling maliit…tuwang tuwa naman cya sinusuot agad…

+2 more

@Laven

-->… ☺ faucetcrypto vs coinpayu… Magandang gabi Noise Family… kamusta ang panahon dyan sa inyo?… magulo parin ba tulad dito sa amin… hehehe…pero nasa mood ang weather today dahil hindi umulan kaya na tapos ko ang aking mga labahin…at dahil si mahiwagang kamay ko ang gamit ko ito at sugat2x ulit… ayos lang dahil na tapos ko naman ang aking paglalaba kanina… Habang ako ay naglalaba suma sideline parin ako kaka dotdot sa dalawang ito…hahaha… kaya ito naka ipon na naman… kunting kimbot na lang kay faucetcrypto at pwde na ma harvest… Maraming maraming salamat pala sa mga anonymous na palaging nagbibigay ng blessings sa akin everyday… ang nasa itaas na ang bahalang mag bless pa sa inyo ng higit pa sa mga binibigay ninyo… again thank you sa inyong lahat… God bless always…

@Laven

-->… 💪 Black Adam… Ma ulan na hapon Noise Family… hahaha… mababaliw na ako sa panahon ngayon…kaninang umaga ang init mga bandang 10am ang lakas ng ulan… tapos huminto mga 1pm at uminit naman...ngayon ito at na ulan ulit… paano ako matatapos nito maglaba… hahaha…kaya nood na lang ako ng movie… kagabi ko pa ito sinimulang panoorin kaso naka tulugan ko… kaya ngayon ko pa lang na tapos… maganda cya kaso namatay ung may gold na helmet…ayoko talaga ung may namamatay sa mga bida…ehehe…

@Laven

-->…😌 Fever Cough and Cold… Happy and Blessed Thursday Noise Family…hindi na naka silip dito kahapon dahil pagkatapos kong sumilip kay noise cash nag network error na ako…agoyyyy na ubos na pala data ko…hehehe…na busy din kahapon dahil tinapos ko ung labahin ko…ay hindi ko pala na tapos dahil subrang lakas ng ulan… mga bandang tanghali sumama ang pakiramdam ko…kaya tinulog ko na lang…hindi na dala sa tulog kaya nag take na ako ng gamot… tapos si bulilit naman may sipon at ubo…nagkasabay pa kaming nagkasakit… buti na lang medyo okay na pakiramdam ko ngayon…hayzzzz… kasalanan tu ng panahon eh!… hehehe…na sisi pa tuloy…

@Laven

-->… 😂 11:11 budol ni Shopee… Magandang hapon Noise Family… sunod2x na dumating ung mga na budol ko kay shopee… hahaha…pero okay lang kc naka mura naman ako…kahit ung isang order ko mali2x ung mga items at kulang… nag message pa ako sa seller kung pwde ba niya kunan ng picture at ipasa sa akin bago niya e padala…pero wala kaya cguro dahil mali2x ung mga pinadala… hahaha… buti pa ung hindi ko hiningan ng picture nag padala pa sa akin bago niya binalot ung item…at buti na lang talaga ung shop na binilhan ko ng mga gamit para sa birthday ni bulilit hindi katulad nung isa…kompleto tapos may lista pa cyang nilagay na mga items na binili ko… subrang tuwa ni bulilit sa TinkerBell niya… hehehe… excited ang bata…

@Laven

-->… 🎶 Rain rain go away come again another day Little Lanne wants play Rain rain go away… Ma ulan na tanghali Noise Family…malakas ang ulan dito ngayon sa amin… kaya itong batang ito nagkasya na lang sa bintana at naglalaro sa patak ng ulan…sabay ng kanyang rain rain na kita… hehehe… tapos pag lalakas ang ulan sabay sarado niya sa bintana dahil papasok sa loob ng tindahan namin ang tubig ulan… sabi pa niya "nakaka inis na mama panay na lang ulan hindi ako makaka punta kina Lola"… 😂 gala talaga itong batang ito… hahaha… sabi ko sa kanya hindi titigil ang ulan dahil alam niya gagala ka na naman…

@Laven

-->… ☺ Grocery time… Magandang hapon Noise Family… hindi ko alam kung anong mayron ngayon… grabe ang daming tao sa grocery…taas ng pila isang oras yata ako naka tayo doon… si bulilit kung anu ano na ang pina gagawa ma aliw lang ang sarili… hindi ko kc pinapahiram phone ko dahil pa lowbat na…pa bilisan kami ng kapatid ko matapos… hahaha… pero nung silipin ko patapos na cya sa cashier ako pangatlo pa…tapos ung na una sa akin ang la.laki ng mga cart nila… 😂 puputok na pantog ko… hahaha…

@Laven

-->… 🤭Ang Aking Model… Happy and Blessed Sunday Noise Family…may araw pero medyo makulimlim ung langit today…ramdam ko parin ung pagod sa lakad namin kahapon… umaga kc kami umalis tapos gabi na naka uwi… si bulilit sa subrang pagod sa sasakyan pa lang tulog na… sino ba naman ang hindi mapapagod kahit na walang kalaro enjoy na enjoy cya… halos hindi na umaahon sa tubig…at nasa mood cya para magpakuha ng picture… Mamaya pag hindi uulan aalis ulit kami… need na kc bumili ng pandagdag sa tindahan ubos na ung mga sabon panlaba at mga kape… Enjoy your Family day everyone…

@Laven

-->… ☺ Vitamin Sea… Magandang hapon Noise Family… ung anak ko na feel na feel niya ang ma upo sa may tubig… buti na lang maganda ung panahon hindi ma init…kaya okay lang magbabad sa tubig…subrang excited niya papunta rito panay sigaw na "dagat2x" hahaha…kaso wala cyang kalaro dahil walang ka edad niya… puro matatanda kasama namin ☺…

@Laven

-->… ☺ Blessing from anonymous… Magandang Gabi Noise Family… nag charge kc ako ng phone ko… pag check ko bigla na lang lumabas itong si bitcoin…nilagay ko sa bitcoin wallet ko ung na tatangap ko dito kay noise app…kc need ko palitan na ung coins ph ko dahil hindi ko name ung gamit ko doon…wala pa kc ako valid ID noon ngayon mayron na dahil dumating na ung National ID ko… At kung sino man ang nagbigay nitong blessing sa akin ngayon… subrang maraming salamat naway biyayaan pa ikaw/kayo ng mas higit pa sa mga binibigay ninyo…thank you so much again and again…

@Laven

-->… 😂 Operation tupi ng mga damit… Magandang gabi Noise Family… naglaba ulit ako kanina… sabi kc dito sa amin mawawalan daw ng kuryente bukas at sa Sabado… cympre pag walang kuryente automatic na un na wala din kaming tubig…kaya ung nilabhan ko nung Martes ito at tuyo na kaya operation tupi si bulilit ngayon… hehehe…hinayaan ko lang pati ung malalaking damit cya rin nag tupi… sabi pa niya "Mama laba ako Lanne tupi" 😅… pagkatapos niya mag tupi nag bihis ng kanyang pantulog… hindi na nag patulong kako niya malaki na daw cya…

@Laven

-->...☺ Sister's Birthday… Ma ulap na hapon Noise Family…kahapon talaga ung kaarawan ng kapatid ko… kaso may work cya kaya ngayon lang cya maghahanda sabay narin sa kaarawan ng isa kong pamangkin… at na isipan kong pagtripan kapatid ko… hahaha...nag lagay ako ng pera sa empty box ng posporo… kaso bago pa niya ma open un… need muna niyang e open ung dalawa pang box ng sabon 🤣…ang pangit talaga ng sulat kamay ko… hahaha… di bale ang importante ung laman…

@Laven

-->… 😍 Beautiful Sunset… Magandang gabi Noise Family…bandang 3pm kanina makulimlim ung langit… akala ko uulan na naman… pero hindi at ito nagpakita ang magandang sunset… Maghahanda na naman ng hapunan pero si bulilit pinakain ko ng maaga… dahil hindi na naman cya na idlip…na iinitan dahil na wala bigla ung kuryente…panay ang reklamo niya na na iinitan cya…pag ganito na hindi cya nakaka idlip maaga cyang nakaka tulog…

@Laven

-->… 🥰 Ojo Dibandingke 🎶🎶 Magandang umaga Noise Family… sinong may alam ng kantang ito… Indonesian popular song… https://youtu.be/0R__t0lwIQ8 Naloka ako sa anak ko… unang beses pa lang niyang narinig ang kanta… hala halos kuha na niya ung chorus…naalala ko kc ito nung binisita namin ung kapatid ni mama… pina tugtog ito ng kapatid ko dahil ung pamangkin ko na 4years old alam na alam niya ung kanta ☺… tapos un din ang unang beses na narinig ni bulilit… at pa ulit2x na niyang kinakanta… nahirapan akong hanapin sa youtube kc hindi ko alam ang title ng song at ung spelling din… hehehe…sa totoo lang na gustuhan ko din… kaso masakit sa dibdib ung meaning kc parang ung mahal niya mahilig cyang ikumpara sa iba…basta parang ganun… tiningnan ko kc ung translation ng song… un lang dahil ung anak ko narinig na naman nyang pinatugtog ko at sumasabay na… hehehe

@Laven

-->… ☺ Native Rocking Chair for Granny… Magandang umaga Noise Family…nung umuwi kami may pinakitang rocking chair si Tita kay Lola…nag tanong if like ba niya dahil bibilhin nila para sa kanya… nagustuhan ni Lola kaya ito at hinatid kaninang umaga… pag umuwi cguro kami dadalhin namin ito o baka dadaanan nila Tita dito…

@Laven

-->… 😅 Finish product… Magandang gabi Noise Family… ito na ung natapos ko na damit ni bulilit… ung dress na post ko kahapon ginupit ko at hinati sa dalawa… ito ung upper part niya tapos ung sa lower part naman hindi pa tapos…nagustuhan ni bulilit kaya ayan sinuot niya agad 🤭…

@Laven

-->… 🤭 Damit na hindi kasya gawan ng paraan yan… hehehe… Ma init na hapon Noise Family…hindi nag susungit ang panahon ngayon… mapanakit na init ang bigay niya ngayon…kaya masaya ang aking mga nilabhan dahil matutuyo na daw sila sa wakas… hahaha Ito palang damit na ito bigay ng Tita ni bulilit… kaso hindi kasya sa akin dahil pinagpala tayo sa hinaharap 😂… ayaw din ng mga kapatid ko dahil masyadong open ung bandang likod…kaya may na iisip na naman akong gawin dito…para mapa kinabangan naming dalawa ni bulilit… gagamitan na naman natin ito ng magic scissor…

@Laven

-->… ☺ Good evening sabay Good night na din Noise Family… nakaka pagod na araw… silip2x lang ako kanina dito hindi man lang naka pagpost… hahaha… busy lang talaga pero kahit busy na budol parin sa 11:11… Kuha ko pala ito kanina nagmumukhang buwan ung araw…mga bandang 4:30pm pa un pero mukhang madilim na… hahaha…humarap ba naman sa araw natural magmumukhang madilim talaga… nalilito na ako sa mga pinagsasabi ko… bukas ko na lang tuloy ang kwento… inaantok na ako… hehe… good night na sa inyong lahat…

@Laven

-->… 🤭 I asked my daughter what she wants on her birthday… and she answered me ice cream… hehehe… sa isip ko makakatipid ako nito dahil ice cream lang ang gusto… hahaha… Magandang hapon Noise Family… isang buwan na lang at kaarawan na ni bulilit kulit…nag tanong papa niya anong plano ko sa kaarawan niya…sinagot ko wala akong plano kung ano ang gusto ni bulilit un ang gagawin ko… hahaha… eh! ice cream lang ang gusto niya un lang din tapos punta kami ng church…diba! simple lang…sagot ng papa niya isang malaking "ewan ko sayo"… hahaha…na pikon lang… 😂

@Laven

-->… ☺ Blessed Thursday morning Noise Family… ang ganda ng bungad ni haring araw ngayon… ma init pero ung hangin malamig… ayoko na sabihin na sana tuloy2x ung init today dahil baka ma scam lang ako… hahaha… ganito naman araw2x dito ma init sa umaga tapos bandang tanghali magsusungit na ang panahon…pero ganun pa man maglalaba parin ako today dahil bukas may lakad kami… at cympre kain muna tayo ng breakfast mga ka noise… pritong isda at atsarang papaya ulam namin ngayon…

@Laven

-->… ☺ Fresh from the farm… 🌧 Ma ulan na Tanghali Noise Family…araw2x na lang umuulan dito sa amin… ito at may dala na naman Tito ko na saging… kalabasa at lemonsito galing sa farm nila… may panghalo na ako sa karne pwede rin sa sardinas 😁...at itong lemonsito gagawin kong juice para ipa inom kay bulilit…hehehe…

@Laven

-->...☺ Me: Baby ano kinakain ni rabbit?... Lanne: carrots… Me: Ano kinakain ni monkey?… Lanne: banana… Me: eh! ano naman kinakain ni Lanne?… Lanne: saginggggggg… 😂 Good morning Noise Family…nakita ni bulilit na hinog na ung saging…sabay sabi ibibinta daw niya… hahaha…galing kc ito sa farm nila Tita…tapos nung kumain na kami kumuha cya ng isa kaya sinabi ko akala ko ibibinta mo… ang sagot naman niya hindi daw kakainin daw niya lahat iyon…hahaha…

@Laven

-->… ☺ Twinning Dress… Good morning Noise Family…twinning daw kami sabi niya…pero ung totoo short ko yan ka partner nitong damit ko… kaso subrang ikli nagmumukhang panty short na sa akin… kaya ayan ginawa ko na lang na damit niya nagka twinning pa kami dalawa… hehehe… gusto ko kc ung tela niya hindi ma init sa katawan… tapos na gustuhan din naman niya ung damit… pag sinuot niya dapat suot ko din daw… hahaha…

@Laven

-->… ☺ Padaan bago matulog… hehehe… Magandang gabi Noise Family… wala pa pala akong post ngayon araw na tu…agoyyy na busy na naman kc… naglaba ulit kaya kamay ko sugat2x na… pero okay lang mas gusto ko kc kinakamay mga damit ni bulilit lalo na ung mga puti… Ito ang mukha niya habang pinapatulog ko kanina… pilit na pilit eh! hahaha… ang kulit lang talaga…pero ito at masarap na ang tulog naka taas parin ang dalawang kamay…sarap narin matulog malamig ang panahon dahil na ulan… puro itong anak ko naka electric fan parin… kaya magtatago na naman ako nito sa makapal na kumot… hahaha…

@Laven

-->… ☺ Pagminamalas nga naman… Magandang gabi Noise Family… ung ikaw na nga ang nagbabantay ikaw pa ung na bugbog…nasan ba ang hustisya dun 😅… ay nako pagminamalas ka talaga… iniwan ng kapatid ko mga junakis niya sa akin…grabe ung isa kong makulit dinagdagan ng dalawa kaya naging riot talaga…hahaha…kaya ang nangyari bugbog si mama…hindi kc nagkakasundo itong bulilit ko at ung bunsong anak ng kapatid ko… pala.away silang dalawa…tapos nagtatakbuhan tumatalon sa upuan ung isa naman umaakyat sa hagdanan…ay ewan ko!...mapapasigaw ka na lang ng "Ding ang bato"… hahaha…

@Laven

-->… 😅 Juan Tamad… Magandang hapon Noise Family…nung dumating kami sa bahay nila Lola…una kong pinuntahan talaga ang likod bahay… dahil dito sa puno ng bayabas… at iyan nga hindi ako nagkamali may hinog… kaso hindi ko abot at hindi ko rin kayang akyatin…kaya makuha ka sa tingin… hahaha… tamang tingala lang baka mahulog diba Juan tamad ang peg… Nung nakaraan marami daw nakuha sila mama na hinog dito kaya gumawa cya ng guava jelly…ang masaklap hindi kami naka tikim hindi kc umabot sa amin…hahaha… na ubos nila Tita pinalaman sa tinapay at nagustuhan din ni Lola…

@Laven

-->… ☺ Magandang Umaga noise family… hindi naka pag update kahapon dahil binisita namin ung kapatid ni mama…walang signal din doon papunta sa kanila…gabi na kami naka balik dito sa city… na pagod kaya naka tulog agad…medyo masakit parin ung likod ko…pero kahit masakit asikaso parin dahil walang ibang gagawa para kay bulilit… Itong bulaklak kuha ni bulilit at ng pinsan niya kahapon… akala ko manonood lang cla nung mga dinadownload ko na peppa pig sa phone ko… tapos lumapit sa akin sabay sabi "mama look it's so beautiful"… 😅 mga 50 shots cguro na pare pareho lang… hahaha…kaya mabilis ma puno ang gallery ko dahil grabe kung maka pindot tung si bulilit…