read.cash Log in

@Laven

Joined 8 September 2022 · 88 posts

My life with my one and only princess 👸 💚💚💚 #OurStory

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Laven

-->… ☺ SalonPas Magandang gabi noise family… medyo na busy ngayong araw…naglaba ako kahit umuulan dito… hehehe… pero habang nagliligpit ako kanina pagyuko ko bigla na lang sumakit ng bongang bonga ang likod ko… grabe ung sakit niya na pahiga ako sa subrang sakit…simula nun nahihirapan na akong gumalaw…sa pagtayo pag upo kahit sa paglalakad…hindi ako makakilos ng maayos…sabi ni Tita ipahilot ko daw pero nangyari na kc ito sa akin dati… pinahilot ko walang nangyari hindi naman na wala o kahit na ibsan ung sakit...kusa lang cyang na wala din…kaya nilagyan ko na lang cya kanina ng salonpas bumubuti naman ng kaunti…at nakaka galaw narin ako kahit papaano… nagtake din ako ng pain reliever… sana ma wala na ito bukas dahil may lakad pa naman kami…

@Laven

-->… ☺ National ID…sa wakas dumating narin…isang taon at kalahati din ang pag aantay…pero ung sa ibang kasabayan ko wala parin ang sa kanila…baka next week o next month darating na din ung sa mga kapatid ko…sabay kc kami pero na unang dumating ung sa akin… Pero ung picture talaga eh! Ung mata ko parang adik… hahaha… sampong araw yatang hindi natutulog…tapos na ang undas pero ung mukha ko sa National ID ko araw2x undas…hahaha…pero atleast dumating na…yaan na ung mukha tingnan na lang nila sa personal… charrrrr…wala namang pinagkakaiba…samok hahaha…

@Laven

-->… ☺ Malamig na umaga noise family… hindi na naman nagpapakita si haring araw… mukhang uulan pa yata dahil nag iipon na naman si ulap… hehehe… masama yata ang gising niya… Ouh! cya kape2x muna habang nagluluto ng agahan…sarap pa sana matulog kaso may nagtatalon na sa higaan…hahaha…parang palaka lang… Have a Blessed Thursday everyone… Ingat po sa lahat ng pumapasok sa work at School…

@Laven

-->… ☺ Na pagod sa paghahanap… magandang umaga noise family… kamusta ang panahon dyan sa inyo?… dito sa amin ma init pero makulimlim ung langit… diba ang gulo!… hahaha… Na pagod kami kakahanap sa puntod ng kapatid ni mama…na wala kc ung pangalan dati kc mayron… pinatungan pala cya nung puntod ni Lola sa mother side ko…tapos hindi rin nila nilagyan ng pangalan… oh diba!sinong hindi mahihilo kaka ikot sa sementeryo 😅… sabi pa ni mama "cge dito na lang… ito cguro un!… hahaha… kaluka… buti na lang medyo nababasa ko pa ung letters sa may semento na krus…tapos si bulilit ayan naka upo na napagod din daw cya kahit karga2x ko…

@Laven

-->… ☺ Magandang Umaga Noise Family… subrang na busy kahapon hindi man lang naka silip dito at doon sa kabila…nagluto kc kami dahil nagkaroon ng munting salo2x para sa pagtatapos ng "Rosary Month"…at nag arrange kami ng mga bulaklak para dadalhin namin ngayon pa uwi sa bukid… dadalaw sa mga minamahal namin na namayapa na… buti na lang maganda ung panahon… papunta pa lang kami babalik din mamayang hapon… Kayo mga ka noise dumalaw na din ba kayo sa sementeryo?…

@Laven

-->… ☺ Kamusta noise family?… good eve nga pala sa inyong lahat… ma ulan pa rin ba sa inyo?... Dito sa amin hindi na kaya nag laba ako kanina ng bongang bonga…iyon ang rason kung bakit ngayon lang ako naka silip dito… hehehe…subrang pagod eh! sakit ng likod ko… Itong anak ko na iba ang trip ngayon may patakip takip pang nalalaman…tapos simula nung binigay ng Tita Momme niya ung unicorn na unan lagi na niya yang hinahanap tuwing matutulog cya… minsan nag aaway pa kami dahil lang sa unan na yan… hahaha… ayaw niya kc may ibang gumagamit kahit ako…tinatago niya tapos pag hindi niya makita sa akin nagagalit… 😅

@Laven

-->… 🥴 Na high blood bigla… hahaha… magandang gabi noise family… ung tipong seryoso kana sa pinapanood mo… tapos biglang may dumaan na motor… at ang lakas2x ng tunog ng tambutso… mapapa mura ka na lang sa inis… kaluka hindi lang ako ung na gulat pati si bulilit na tulog na tulog na sana biglang bumangon at yumakap sa akin sabay takip ng tainga…pasaway yang mga ganyan tumaas bigla dugo ko eh!…kung nasa labas lang ako binato ko na un ng ice…ay hindi rin pala kc papasok pa ulit ako ng bahay para kumuha ng ice at cgurado ako paglabas ko wala na ung nag momotor na un…bato na lang cguro kc nasa kalsada lang kaso semintado naman…hahaha… ay ambot na lang…buti na lang naka tulog ulit itong isa at nabihisan ko na din…

@Laven

-->… ☺ Mahangin na hapon noise family…ngayon lang naka silip dito dahil kanina subrang hina ng signal…laging naka loading… grabe din ung hangin ung mga paso nag sitalunan na sa pinapatungan…na laglag ung mga halaman at lupa…bigla lang din na kaming na walan ng kuryente…hindi naman malakas ung ulan ung hangin lang ang galit na galit at gustong manakit ng mga tanim… hehehe…pero ngayon medyo mahinahon na ang panahon…

@Laven

-->… 😂 No internet connection… susme ung connection ko naki sabay din sa masamang panahon… walang ulan na dito pero mahangin… cguro nilipad ng hangin ung connection namin…hahaha… urong sulong kaya hindi ko matapos tapos ang mga unread message…kaya pag na wawala ung connection naglalaro na lang ako ng ganito ⬇… ewan anong name ng larong ito basta nilalaro ko lang… hahaha…

@Laven

-->…🌧 Rain rain go away… come again another day… little Lanne wants to play… rain rain go away 🎶🎶🎶… Malamig na umaga noise family… kanta yan lage ni bulilit tuwing na ulan… hehehe… ayan naka tanaw sa labas hindi ko lang alam kung anong nasa isip niya…lagot ako pag na isip nitong maligo sa ulan...hahaha…pati tuloy ako napa isip kung ano ang kanyang iniisip seryuso kc… Ingat po tayong lahat lalo na sa lugar na naapektuhan ng Bagyong Paeng…

@Laven

-->… (*˘︶˘*) makulimlim na umaga noise family…maaga kaming umalis kanina para hindi kami abutan ng tanghali sa pila…magbabayad kc ako ngayon sa SSS… dahil walang mapag iwanan kay bulilit ito kasa kasama ko cya…ung number namin 156 pa…kaya lumabas muna kami dahil nagugutom daw cya…may sipon parin ung aking bulilit…natuwa ung isang sales lady sa buhok niya kc sa dulo lang ung kulot… hehehe…

@Laven

-->… (◕‿◕✿) Good evening noise family… tulog na ang aking bulilit…medyo kumikintab ang ilong dahil nilagyan niya ng Vicks…sinipon kc cya kanina…cya lang nag lagay niyan sinabihan ko wag niya damihan ang paglagay... ewan nasa loob lang naman cya hindi naglalabas pero ito at sinisipon cya…ayan at ang bilis naka tulog pagka abot niya ng vicks sa akin pag lingon ko tulog na…sana ma wala na sipon niya bukas…

@Laven

-->… (•ω•) Ma ulan na umaga noise family… Ulan na di ma pigil… Bulaklak na di na titinag… Bumuhos ka man ng walang tigil... Bulaklak ay di matitibag… Araw man ay di sisikat… Sila parin ay namumukadkad… Wag lang samahan ng masamang hangin… Dahil panigurado sila ay lilipad… (⌒▽⌒) maraming salamat pala sa mga nagbibigay ng blessing… may na received na naman ako early in the morning… kayo sana ay pagpalain… maraming salamat again...(♡-_-♡)

@Laven

-->… 🤣 101% legit talaga tu… hahaha… magandang gabi noise family…kamusta kayo?… ma ulan din ba sa mga lugar ninyo?… now lang naka pag update dito dahil na ubos data ko… at ngayon lang ako nagload ulit… Natawa ako habang na basa ko itong post na tu… kc saktong sakto sa nangyayari sa amin ni bulilit… kaya minsan hindi ako nakaka pag post kay noise o nakaka open sa ibang site dahil nag aagawan kami ni bulilit… nakakaloka pa minsan dahil nag se.send ng kung anu.ano…hahaha… pagminamalas pa na uubos load ko dahil kung sinu.sino na lang ang tinatawagan…hindi ako mahilig magpa unli call at txt kc wala naman kaming ka txt at katawagan… Alam ko maraming nanay ang relate dito… #PicturefrmFBpage

@Laven

-->… ☺ Magandang gabi noise family… subrang maraming salamat sa mga nag share ng kanilang blessings… pag open ko nag wawala ung notif galing kay coins ph…hindi ko man kayo kilala kung sino man kayo sana biyayaan pa kayo ng higit pa sa mga binibigay ninyo…. Again maraming2x salamat sa inyong lahat… Ito at inulan ung birthday ng Tito namin…pero okay lang masaya at busog din naman kaming lahat… hehehe…hina ng signal sa farm nila kaya di maka pagpost…at subrang lakas pa ng ulan nung pa uwi kami… bumabaha na sa mga kalsada… grabe din ung kulog at kidlat buti naka uwi kami ng safe…

@Laven

-->… ☺ Malamig na gabi noise family… may nakita ako share ko lang din sa inyo… hehehe… may na alala lang kc ako dito… ung uso pa ung keypad na phone… maraming nagkakaroon ng txtmate at isa na ako dun… hahaha…pero ung tinitxtmate ko ung malalayo para pag nag sabi na kita tayo alam ko na malabo…kayo ano ang kwento niyo sa keypad na phone niyo?… hehehe…

@Laven

-->… 😅 Susmeyo… bigla akong na stress ng wala sa oras…nag pagawa ng tarpaulin pinsan ko para sa kaarawan ni Tito… imbis 66 years old ang naka lagay 60… tapos naka sulat pa talaga buong name ng Tito ko… hehehe… nakakaluka parang ang pangit naman pati apilyedo naka lagay…ay ewan kaya ito ginawan ko ng paraan… total ung mga bisita na pupunta hindi naman ung tarpaulin ang titingnan nila kundi ung pagkain… hehehe…nagalit tuloy si Tita nung makita niya…gusto niyang ipa ulit sa gumawa…

@Laven

-->… ☺ Ma ulan na tanghali noise family…hindi talaga na dala sa paki usap ang mga ulap at ito nga ay tuluyan ng bumagsak… akala ko scam un pala ay talagang uulan… un tuloy para akong hinabol ng sampong kabayo sa bilis ng aking pagtakbo… 😂ang aking mga sinampay ay napapasaway sa ulaaaaaaannnn… sila ay napapasayaw sa ulan 💃💃💃… hahahaha…

@Laven

-->… ☺ Magandang gabi noise family… hapunan namin ni bulilit sa kanya pizza sa akin naman itong fresh lumpia… na busog na kami kaya hindi na cguro kami kakain ng kanin…naka ubos kc cya ng dalawang slice…pero pag nagutom cya nagsasabi din naman kaya may baon kami palagi para pag nagutom di na kami lalabas sa tulugan namin… hehehe… enjoy dinner sa lahat ng kumakain pa ng hapunan dyan…

@Laven

-->… 🦀 Tong tong tong pakitong kitong alimango sa dagat malaki at masarap mahirap mahuli sapagkat na nga.nga. gat ♬♬♬♬♬♬…hehehe… Ang ulam namin kanina alimango… ung tipong ang dami mong tatrabahuin bago makakain… hahaha… aabutin kana na ng gutom… ulam na hindi pwde sa mga taong nagmamadali 🤣… kagaya kanina sabi ni bulilit sa akin "mama hindi ka pa tapos?…cympre isang oras na ako hindi pa tapos kumain… ung anak ko ang na iinip 😂…

@Laven

-->… 😂 Na "wow mali" si bulilit… hahaha…binuksan niya ung ref sabay kuha ng yogurt… sabay sabi "wow ice cream"… tapos pinapabuksan niya sa akin…nung tikman niya kinilig tapos ako na ang sinubuan niya… hahaha…ako lang naman ang naka ubos… Magandang hapon noise family…

@Laven

-->… ☺ Good night noise family…itong katabi ko hindi ko alam kung nag tutulog tulugan o tulog na talaga… hehehe… tinatakpan kc ung mata…5:30pm narin kc cya nagising kanina…pero pag ganyan na ayos niya tulog na panigurado…

@Laven

-->… 😂 Anak mong nagmamarunong… hehehe…hindi ko inaasahan na aakyat ng rooftop… pinaka ayoko kc na nagpupunta cya doon dahil sa taas ng hagdanan…kaso nung hanapin ko ayun kasama kuya niya nasa rooftop lang naman… at busy cya sa kanyang ginagawa tumutugtog daw cya ng piano… hahaha… susme akala mo naman talaga bihasa… pero mas marunong pa cya sa akin sa totoo lang… good job baby… wag kang gumaya kay mama na walang ka talent2x… hahaha… support lang si mama sa mga gusto mong gawin… alam ko sa usapang talento hindi ka sa akin nag mana… hahaha…

+1 more

@Laven

-->… ☺ Nakakamiss tuloy ung dati kong host family… sa limang taon ko sa Europe isa sila sa pinakamabait na pamilyang nakilala ko…ung hindi iba ang trato nila sayo…mula sa apartment sa free wifi at kahit sa paghatid sundo sa akin ginagawa nila…at kahit may food allowance ako buwan2x bumibili parin sila ng grocery para sa akin…tatawag na lang yan si host mom pinapalista ano ung mga kailangan ko dahil mag gro.grocery daw sila…tapos hinahatid pa sa apartment ko…hindi kc buong araw ako nasa bahay nila mga ilang oras lang… mas maraming oras pa na nasa loob ako ng apartment ko…kahit matagal na akong wala sa kanila na ngungumusta parin sila…nag a update dun sa bunso nila… simula kc nung pinagbuntis niya ung bunso nila nasa kanila na ako… kaya nung pinanganak niya si bunso isa ako sa nag alaga… kahit 4months pa lang iniiwan na nila sa akin…kampanti daw sila na iwan sa akin dahil alam nila na aalagaan ko…kaya mula sa unang tayo unang pag gapang pinapadalhan nila ako ng pictures… hehehe… ngayon subrang laki na nila mga dalaga at binata na…lagi din ako nag papadala ng picture ni bulilit sa kanila… ano ba yan na pahaba ang kwenta ko… hahaha… un lang… tulog na tayo… Good night noise family…

@Laven

-->… ☺ Ung anak mo na duma da moves na…hahaha… walang tugtog pero na sayaw cya may sariling steps pa… ang kulit niya ng mga panahong ito… makulit parin naman cya until now… 2years old cya dyan sa picture niya na yan… sumama sa Lolo niyang kumuha ng kamansi… parang hindi ito sa akin nag mana hindi kc ako maalam sa pagsasayaw… hehehe…

@Laven

-->… ☺ A Blessed afternoon everyone… ito ung pangatlong post ko dito kay noise app…medyo na busy nung mga nakaraan sa mga sideline… hehehe… Meet may makukulit subrang gulo at cool na mga Tito… ung nasa likod kami yan ng mga kapatid ko limang babae kulang kami ng dalawa dyan… ung dalawang lalaki sa gilid mga asawa ng kapatid ko katabi nila… ung nasa harap ang aming pinakamamahal na Lola at mga anak niya… siyam anak niya isa lang ang babae…sabi nila binawi din daw namin kc kami naman pito puro babae…hahaha… ung iba wala sa picture dahil busy kaka entertain sa loob ng bahay… hehehe… our first family reunion sa father side ko…

@Laven

-->… 🥰 Happy and Blessed Monday morning everyone… it's our granny's 90th Birthday today… at ung mga kaibigan at kapitbahay niya dito nag mañita sa kanya… kaya 4am pa lang nagising na kami dito pati si bulilit… kaya ngayon itong isa naka tulog ulit…

@Laven

-->… ☺ Hello everyone… this is my 1st post here…na ngangapa pa kc kahit ilang days na ako nandito nalilito pa rin… hahaha… kaya ngayon lang naka pag post dito…ito na naman ang aking little model feel na feel niya ang mag pa picture… minsan wala tu sa mood pag ayaw niya ayaw niya talaga… Magandang hapon sa ating lahat… prepare na naman para sa dinner…