Not feeling well today Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko ngayon araw na to.Lunes pa man din at napakaraming gawain pero ito ako pahiga-higa lang sa kwarto. Naiwan kaseng nakabukas magdamag ang electric fan sa may uluhan ng higaan kayaa ito ako sobrang sinisipon. Ang sakit ng ulo ko at tulo ng tulo ang sipon ko pero dahi nanay tayo kelangan natin bumangon. Kailangan ko din magpasa ng Module ng anak ko sa school at kumuha ng panibagong worksheet dahil di kami nakapag pasa nung Friday. Sa sobrang init kanina buti kinaya ko pa umuwi galing school kahit medyo nanlalambot na ang tuhod ko kaya sabi ko sa kapatid ko manungkit ng mangga sa puno namin. Kailangan ko kumain ng maasim para guminhawa ang pakiramdam ko. Sa dami ng nakain ko hindi kona alam kung ilang piraso ba yun? Walang alamang kaya toyo,sili at asukal na lng pero feeling ko guminhawa ang pakirmdam ko : )
3 comments
parang antibiotic din kasi si sili sis lalo na si suka kaya feeling ginhawa talaga pag nakakain lalo na yong sipon diba pag kumakain ka nang maanghang parang tutulo yong sipon mo hehe
How you made this sarap.. It's looking so yummy and tasty.. i am craving for it.. But now our mango season has not come.
Hiyang mo ba antihistamine baka alergy yan get well sis pagaling ka