read.cash Log in
@Kyshin more from that month

FAITH " Di ka nakakasawang tingnan pagmasdan ang iyong mga mata " Narinig niyo na ba ang kantang toh? "Ngiti - Skustaa clee" Isang napakagandang kanta na isinulat niya para sa anak nila ni Zeinab Harake Napaka inspirational ng kantang to para sa ating mga magulang dahil sa lyrics mararamdaman talagah natin ang saya ng pagiging Isang magulang. na share ko lang sa inyo to dahil sa picture na kuha ng asawa ko dala ang baby namin last year. Sobrang saya niya ng makita ang baby girl namin noon.Na touched talaga ako sa picture nila ni baby. Inaamin ko ang asawa ko marami talagang bagay na kinaiinisan ko sa kaniya .Katulad ng paglalaro ng online games minsan wala na siyang time para sa anak niya.Pero nakapa responsable niyang ama lahat ng pangangailangan namin sinusuportahan niya. Pero itong moment na to na ipinanganak ang bunso namin talagang nag mature siya compare sa panganay namin.Madami siyang bagay na natutunan. Hindi kase siya nakaranas ng hirap noon unlike sa baby nmin na sa pagbubuntis at hanggang sa panganganak talagang nahirapan siya. Na Hi-blood kase ako nung manganganak ako sa babygirl ko at walang gustong tumanggap skn na Hospital noon kasagsagan ng Pandemic.Kailangan daw kase CS dahil malaki ang chance na mag seizure kapag nag normal delivery dahil nga sa Hi-blood. Sabi ng mama ko noon habang nanganganak daw ako nakita niya ang asawa ko nakaupo sa isang sulok sa lying in nakatungo. Nung marinig lang daw na umiyak ang bata tska lang daw nabuhayan ng loob ng asawa ko nung panahon un. Pero sa awa ng Diyos tinanggap kami ng isang Lying-in kahit na Sapalaran ang buhay namin mag ina tanging pananampalataya na lng kakapitan namin ng panahon yun. Nag sign ang asawa ko ng waiver na sa katunayan kahit anong mangyari skn eh wala silang pananagutan .. -- Inaamin ko hindi ako relihiyosong tao pero nung tumawag ako sa kaniya hindi niya ako pinabayaan ..Kailangan mo lang maniwala sa kaniya at manampalataya ..

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.