read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Creepy PART 1 Medyo hindi ako makapag update dito sa totoo lang medyo nagaalala talagah ako dahil sa chat ng Kapatid ko. Nagchat kase siya sa akin kahapon at talagang iyon na lng inisip ko buong araw hanggang ngayon.Nasa Subic kase ang Papa ko at ang 2 kong kapatid na lalaki . Stay in sila dun for almost 1 and half months na para sa kontrata nila sa pag Electrical sa isang dating Ospital na gagawin na ngayon quarantine facility para sa mga Ofw na uuwi sa Pilipinas. May isang Helper don na sabi may third eye daw but before kase malaman ng mga kapatid ko yun talagang may nararamdaman na sila. Yun feeling mo pag pasok palang eh para ka ng sinasabunutan? May times pa nga na may sumusutsot sa kanila sa loob kahit wala naman ibang tao dun kundi silang tatlo kaya nagkakatinginan na lng sila. Pag ka gabi naglalagabugan pa nga daw alam ko naman na hindi magagawa ng kwento ang mga kapatid ko at papa ko para takutin ang mgasarili nila. Pero kahapon talagah hindi ako mapakali sa nalaman ko kaya halos wala akong tulog sa pagaalala sa kanila at gusto ko na silang pauwiin kahit di pa tapos ang kontrata nila. -- Masyado ng mahaba ang Kwento ko kailangan na ng PART 2 tska ko na ikukuwento sa susunod kung bkit ako nagaalala. Sanay samahan niyo ako magdasal na patnubayan sila ng Diyos sa lahat ng oras . TO BE CONTINUED...

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.