3 DAY Vacation Dahil no work si Hubby ngayon Thursday hanggang Saturday dito muna kami magbabakasyon sa aking byenan sa Cabuyao. Sobrang saya na naman ng aking byenan at mga hipag dahil kapiling na naman nila ang mga anak ko hehe : ) Para laging may reunion tuwing andito kami dahil kami lang naman ang malayo ang tirahan sa kanila. Nagutom na kami pagdating dahil maaga kami umalis para iwas traffic sa labas mahirap na at mainit at iniiwasan namin ang maraming tao na makakasalamuha. Ang ulam namin ay ginisang Sardinas na puti ang sarap pala nito kaya napadami ang kain ko.Hindi kona na picturan dahil nagutom na tlgah ako hehe kaya un ulam namin kagabi ang shinare ko sa inyo. Ginisang Sardinas na may mustasa at kalabasa at adobong itlog. Mamaya mag sosopas daw ang byenan ko hehe .. busog na busog na naman kami nito mamaya.
3 comments
Enjoy kayo sa bakasyon nyo sa in-law mo sis :) nagyaya din biyenan ko sa Tagaytay pero nakapagcommit na ako sa gawain ni Lord bukas sa seven last words at sa Sunday Kaya next time nalang.
Talagang masaya kapag muling 0 nagsama-sama lalo ng nakapagpapasaya ang mga cute na batang iyan. Enjoy your vacation, ka-noise!
Wow for sure mag eenjoy ang lahat kasama ang bawat isa.. enjoy your stay there sis