Another Blessings Kahapon Galing kami sa school para sa Assesment ng mga incoming Grade 1 students.Kailangan kase na ma asses kung marunong na sila magbasa at magsulat. Buti na lang at marunong na ang anak ko kaya wala ako naging problema. Napaaga pa nga ang punta namin mga 7am kaya ang tagal namin naghintay dahil 9pm pa pala ang umpisa ng assesment. Super sakit ng katawan ko paguwi ng bahay kahapon dahil malayo-layo din ang school mula sa aming bahay kailangan pa namin tumawid sa Highway.Tapos 2 pa ang bitbit kong bata. 3pm pa daw ang bigayan ng School supplies kaya di na ako makakabalik sa school naguumpisa na kase mangulimlim dahil umuulan dito sa hapon. Mainit sa umaga maulam sa hapon Mabuti na lang at nagmalasakit skn ang isang kaibigan siya na lang ang kukuha ng School supplies para sa anak ko kung papayag na siya ang kukuha. Kaya kahapon ito dinala niya pa sa bahay namin. Hindi na ako bibilo ng School supplies dahil sa handog ng aming baranggay malaking tulong ito sa mga nanay lalo na sa panahon ngayon taghirap talagah ang buhay.
1 comment
Ang galing naman sis may handog ang inyong barangay na school supplies malaking tulong na talaga sis magkano rin kung bibilhin mga yan. Ready na si bebe sa pasukan kabilis ng araw may pasok na uli.