read.cash Log in
@Kyshin more from that month

Pulang papel Nakailang beses din ako nag try para kontakin ang albularyo na si lola Jasmin bandang 8pm na siguro ngmay tumawag skn unknown number. Bigla akong nabuhayan ng loob nun kase sa mga ganitong bagay siya lang talagaH inaasahan namin. Siguro may mga tao na hindi naniniwala sa mga Albularyo pero kase kami napagaling na niya kami sabi nga " Huwag ka daw mag papagamot kung hindi ka naniniwalang gagaling ka" Nung magkausap kami ikinuwento ko sa kaniya ang nangyari at katulad ng sabi ng helper na nakakita sa papa ko na napalilibutan ng itim na usok ay ganun din ang nakita niya. Sabi ng helper nakita niyang napapalibutan ng itim na usok si papa habang nagagawa ng breaker sa lugar na pinagtatrabuhan nila sa Subic. Nasa ulo na daw ni papa ang itim na usok na animoy gumagapang pababa kay papa ng makita bigla ng helper ang nangyayari. Bigla itong nahilo .ang kwento niya sa kapatid ko binalikan daw siya ng itim na kaluluwa. Buti na lng daw at hindi umabot sa leeg ni papa ang usok dahil 2 bagay daw ang pwedeng mangyari kay papa kung di naagapan. Maari daw mamatay si papa oh magkaroon ng malubhang sakit . Kaya un talagah kami nagalala at kabilin-bilinan wag sasabihin kay papa . Kinaumagahan sinabi skn ng kapatid ko na kinontra na daw ng helper ang ginawa kay papa .. Nagsunog siya ng Pulang papel at dinasalan si papa sa noo upang kontrahin ang masamang pangitain. Marunong kase manggamot ang helper na yun at ang kalakasan nila ay tuwing araw ng Martes at Biyernes. Sinabi na din nila kay papa ang dahilan kung bakit nangyari sa kaniya un Patuloy pa rin ang pagdadasal namin para sa kaligtasan ni papa at ng aking mga kapatid. Patnubayan sana sila ng Diyos palagi. -- masyadong mahaba ang kuwento ko at hindi pa yan nagtatapos.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.